Chapter Three

11 1 0
                                    

Chapter Three - Bad Omen

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung engkwentro ko kay Amy at nung nakakatakot na presensya na naranasan ko nung gabing iyon. Di naman na nagpakita ulit si Amy sa akin kaya't inisip ko na ginu-good time lang ako nun.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Rona. Vacant naman namin ngayong last period kaya tatambay na lang kami dito hanggang uwian. Pagkain ang pareho naming hilig, kaya't di na nakakapagtaka na dito ang tambayan namin.

"Raven, may itatanong ako sayo." Lumingon ako kay Rona at tumango. "Uhm nagko-contact lens ka ba?"

"Hindi naman. Bakit mo natanong?" Di naman ako cosplayer at mas lalong di naman malabo mata ko para mag-contact lens.

"Eh bakit kulay gray mata mo? Hala ka gurl, baka may katarata ka ah." Nabigla naman ako sa sinabi nito at si-net ang front cam sa cellphone ko. Kinusot-kusot ko pa yung mata ko para masiguro na hindi nga ako namamalik-mata sa kulay ng mata ko. Dark Gray.

"Signs of aging, di ba pwede yun?" Biro ko upang mailayo ang topic. "By the way, natikman mo na ba yung blueberry muffin nila dito? Mukhang masarap eh. Gusto mo ilibre kita?"

"Yiee basta ba galing sayo eh!! Labyu Raven!!! Ako na bibili." Tuwang-tuwa itong nagtatakbo sa counter.

※※※

Pagkatapos naming kumain ay dumating na yung suitor ni Rona. Charles ata? Basta, saka magalang na hiniram sakin si Rona dahil dadalhin nya daw ito sa Mall. Nawirduhan pa nga ako dahil kakaiba itong tumingin sakin. Pumayag naman ako basta ihahatid nya si Rona sa bahay nila.

Dahil wala nang gagawin ay naisipan kong dumeretso sa library. May gusto kasi akong hanapin. Saka paniguradong wala ng masyadong tao dun dahil malapit ng mag-uwian.

Pagkapasok ko ay inilabas ko sa bag ang Library Card ko at ipinakita kay Mrs. Hooper. Ngumiti naman sya at tinanguan ako, tanda ng pwede na akong pumasok.
Sinagot ko naman siya ng isa pang ngiti at dumeretso na ako sa shelves ng mga libro.

Di gaanong kalakihan ang library na ito pero di nawawala ang vibes dahil sa disenyo ng lugar. Mayroon itong 5 shelves na puno ng ibat-ibang uri ng libro. Sa bandang kanan ng silid ang mga kahoy lamesa at upuan. Well-ventilated ang lugar kaya masarap tumambay.

Nagsimula na akong maghanap para sa individual reporting namin. Matagal pa naman yun pero gusto kong maaga pa lamang ay matapos na. Bakit di na lang ako nag-search sa internet? Mas prefer ko yung libro dahil baka mauwi lang sa Facebook yung pagi-internet ko.

Di naman ako nahirapang maghanap dahil nandito yung may pinakamakapal na libro dito. Study of Life by A. Madrigal. Viola! Kinuha ko na rin ang encyclopedia sa dulo at dumeretso na ako sa mga upuan.

Lumipas ang kalahating oras at hudyat na ito para isara ang library. Tumayo na ako at nag-ayos ng mga gamit at kinuha ang libro para isauli sana sa shelf na pinagkuhanan ko.

Pagkarating ko sa scince section, isinuksok ko na ang libro sa dati nitong kinalagyan kanina at inayos. May nakita akong nakaipit na papel sa pagitan ng mga libro kaya't kinuha ko ito. Dala na rin siguro ng kuryosidad ay binuklat ko at binasa ang nakasulat dito.

"For she will no longer be chained.
From the deep pits of hell she will arise.
She will come at you, so don't be blind."

Kakaibang talata. Parang mayroong ipinahihiwatig na masama. Napalunok ako dahil biglang may mabilis na dumaan sa gilid ko. Napatingin ako at may nakita akong itim na ibon na may pulang mata. Nakatingin ito sa akin. Pambihira, paano nakapasok yung ibon dito?

Dahil na wirduhan ako sa ibon ay balak ko sanang lapitan ito ngunit bigla na lamang itong lumipad papunta sa kabilang shelf. Pagpunta ko ay wala na akong natagpuan na ibon. Okay weird at the same time creepy bird.

Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ang nangyari at lumabas na ako sa pinto at naglakad papauwi.

»»»

Bago pa ako makarating sa gate ng bahay namin, may nakita akong lalaking nagmamasid sa paligid. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at pantalon. Nakasuot din ito ng shades kahit nakalubog na ang araw. Wew nemen adik yata si kuya.

Lalapitan ko na sana sya upang itanong kung ano ang sadya na samin, ngunit napatingin ito sakin at nagulat. Bago pa ako makalapit sa kanya ay agad na itong nagtatakbo papalayo. Hala! Baka magnanakaw!

Sinundan ko ito ng takbo ngunit sadyang mabilis sya. Mabuti na lamang at naka-PE uniform ako kaya't di ako nahihirapang tumakbo. Maabutan ko na sana sya ngunit lumiko ito sa papunta sa kakahuyan sa dulo ng bayan namin. Oh shoot! Kailangan kong bilisan.

Di ko sya inaalis sa paningin ko hanggang makapasok sya sa gubat. Pasikot sikot ang ruta nya kaya't nahihirapan akong humabol. Nararamdaman ko na rin ang pagod at hirap sa paghinga habang tumatakbo ako. Malayo na ako sa amin at medyo madilim na sa parte ng tinatakbuhan namin ngayon kaya't napagpasyahan ko ng tumigil. Pansamantala akong sumandal sa malapad na puno sa tabi ko at saglit na nagpahinga.

Bakit ko nga ba hinahabol ang lalaking yun? Paano kung di naman talaga yun magnanakaw pero naliligaw lang. Eh bakit naman sya tatakbo? Baka natakot sakin. Eh bakit sya nakashades eh wala naman ng araw? May sore eyes siguro.

Nilibot ko ang aking paningin at ipinasyal ang mga mata ko sa madidilim na bahagi ng gubat. Napakatahimik at ni isang kuliglig wala akong marinig. Ang mga tunog na naririnig ko lamang ay ang sarili kong paghinga. Nakakatakot naman.

Napagpasyahan kong magsimula ng maglakad papauwi. Ilang beses na akong napunta dito nung bata pa ako dahil ito lamang ang playground ko na walang makakaantala sakin. Pero di ko akalain na ganito katahimik ang gubat pag gabi. Baka mapahamak pa ako pag tuluyan kong sinundan yung kuyang nakashades.

Pero para saan kaya yung talatang nakita ko kanina sa library? Di man ako sigurado kung para kanino ang papel na iyon ay parang pati ako kinakabahan sa nakasulat. Saka sa ibon na may pulang mata. Diba pag nakakita ng itim na ibon ibig sabihin may masamang mangyayari? Di naman ako superstitious dahil nalaman ko lang yan kay tito Tinio. Eh baka nga yung kuya kaninang nakashades yung masamang mangyayari?! Hala baka nga nanakawan kami! Dahil sa isipang iyon ay nagmadali na akong umuwi.


To be continued...

Wilsden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon