Hindi ko parin maintindihan lahat ng nangyari sa loob ng isang buwan. Isang buwang pagkakakulong sa isang lugar na hindi ko inaakalang magiging sanhi sa pagkawala ng lahat-- kaibigan, edukasyon, kalayaan, at sarili.
Sa pagkakaalala ko, nakatayo ako dito sa eksaktong lugar kung saan kami nakatayo noon bago mangyari ang lahat ng ito, isang buwan na ang nakalilipas. Anong petsa na ba ngayon? Anong oras na ba? Hindi ko narin alam, wala na kong alam. Hindi ko inaakalang sa isang prestihiyosong paaralan ko mararanasan lahat ng hindi ko inaakalang mangyayari pala sa buhay ko. Mga bagay na inakala kong kathang isip lang, at hanggang doon nalang. Pero hindi, andito ako nakatayo habang pinagmamasdan sa baba ang mga nagwawalang halimaw na inakala naming lahat na hanggang kathang isip lang.
Sana namatay nalang din ako kasama sila. O di kaya'y nakain nalang ng mga halimaw na walang utak. Aanhin ko ang engrandeng premyo kung nawala naman sakin lahat?
Nakita ko kung pano nabulag lahat ng estudyante para sa isang walang kwentang papremyo. Nabulag ng tukso at kagustuhang mapasakamay ang engrandeng bagay o kung ano mang katarantaduhang papremyo. Nagawa nilang makipagplastikan at bitawan lahat ng meron sila para makuha ang isang mumunting bagay, pero hindi sila nagtagumpay.
Ano bang meron? Bakit kailangan nila itong gawin sa mga estudyante, sa amin? Para saan? Nilinlang nila kami at ikinulong sa isang eskuwelahan, kung matatawag pa nga itong eskuwelahan sa ngayon, na puno ng mga halimaw at panooring magpatayan o di kaya'y kainin ng nasabing mga halimaw na walang utak at magkompetensya para sa isang bagay. Baliw na ba sila? Ay teka, hindi na dapat tinatanong yan. Dahil literal na baliw na sila.
Andito ako ngayon, pinagmamasdan ang mga halimaw sa baba habang tinatanggap ang katotohanang nangyari sakin sa loob ng isang buwan. Hanggang sa may isang ideyang pumasok sa aking isipan.
Bakit hindi ko nalang din sila sundan?
Akma na sana akong tatalon mula sa ika-apat na palapag ng naturang estraktura ng mapigil ako ng isang tunog na naging dahilan upang manumbalik sakin lahat..
"Congratulations! You won the grand prize!"

BINABASA MO ANG
Grand Prize 》ON GOING
Fiksi PenggemarWill you sacrifice everything to win the grand prize? WARNING: Zombie and Highschool AU. Contains killing scenes and vulgar languange that may not be suitable for other readers. READ AT YOUR OWN RISK. Tagalog (c) 2018 Started: February 20, 2018 Ende...