Tula: Irog ko, masakit

50 1 1
                                    

Irog ko, masakit

Nar'yan nanaman ang kaba sa'king dibdib
Nababaliw na ako pati na rin puso ko
Pag nakikita ka, ikaw ang pinipintig
Ako'y mapapasabi ng "Oh Diyos ko!"

Sa t'wing ika'y kasama, may tuwang labis
Pag tumitig ka, tutulo aking pawis
Anong bang kakaiba ang meron ka sinta?
Ba't tinamaan ako sa iyo ng sobra-sobra ?

Ngunit alam kong hindi na magbabago
Ang turing mo sa akin bilang katoto
Kasi sabi mo sa'kin may irog ka na
S'yempre may sakit ako na nadarama

Kapag nandiyan ka, may saya, may lumbay
Aaminin ko mas nangingibabaw ang lungkot
Dahil sa sakit, pakiramdam ko ako'y patay
Ang puso ko naman tila nilulukot

.
.
.
.
.

AN:
Homework ko to sa Filipino kaya ilalagay ko dito xDDDD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Works Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon