Sawi pero wagi
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa silid aralan ay siya na agad ang nakita ko.
"Hoy besh, nagreview ka na sa Earth Sci?" biglang tanong ni Taylor.
"Huh? Bat ako magrereview dun?" sabay batok niya sa akin.
"May quiz tayo dun, baliw!"
Nataranta agad ako kasi first subject namin ang Earth Science at hindi pa ako nag-aaral.
Nilagay ko na ang bag ko sa upuan ko na katabi lang niya. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko kasi nagkatinginan kami.
Agad-agad kong binuklat ang notebook ko sa Earth Sci pero wala namang notes.
"Good Morning Ms. Belo! Welcome to Section Catastrophe"
Umaalon na ang puso ko, kahit isa man lang wala akong naaral, tapos nandito na si Ms. Belo.
"Oh Class, sana nagreview kayo kasi kahit ako nahirapang gawin at sagutan 'to" sabi ni Ma'am na parang pananakot para sa hindi nagreview na katulad ko.
Binigay na ang mga test papers. Unang tanong palang ay nanlulumo na ko.
Nagdaan ang ilang sandali ay marami na akong nakikitang nagpapasa ng papel sa harapan. Samantalang ako, mga sampu lang ata ang nasagutan at hula pa yung iba.
May lumipad na papel sa pwesto ko. Dahil nababagot na ko kakahula ng mga sagot, dinampot ko iyon, binuklat at binasa.
Nagkaroon ng malaking ngiti sa aking mga labi.
"Ms. Julia, stand up, and give me that paper." bigla akong kinabahan nang bigla tinawag ang pangalan ko.
"Basahin mo ng malakas ang nakasulat dyan sa papel na binabasa mo." utos ni Ma'am.
"Uhh, Ma'am-"
"Basahin mo yan o zero ka na sa quiz?" pagbabanta ni Ma'am.
Gusto ko nang kainin ng lupa sa mga oras na iyon. Ayokong basahin 'to sa harap nila, pero kailangan kong linisin ang pangalan ko. Lumunok ako at tsaka huminga nang malalim.
" Mahal kong Julia , ikaw lang ang baby ko, oh sinta sana ako'y sinta mo rin.
nagmamahal,
Andrew iyong katabi-slash-poreber"