"Saan ka magpapasko Kris?" Tanong sa akin ni Jake na co-worker ko. Nabigla ako. Magpapasko na pala. Napatingin ako sa maliit na kalendaryo sa mesa ko. Dalawang araw na lang. Pero agad kong binawi dahil dahil wala naman akong pakialam."Sa bahay." Tanging naisagot ko na lang dito. Inaya ako nito sa kanila pero tumanggi ako. Nagmamadali na lamang akong niligpit ang gamit ko at umalis.
Katulad ng nakaraan ay hinanap ko ulit si Gelo pero hindi ko na siya mahagilap pa. Sa tingin ko ay tumigil na ito dahil sa mga sinabi ko sa kanya ng nakaraan. Pero sa isang banda ay iniisip ko na baka nagbakasyon lang dahil Pasko na rin tulad na lang nang mga sinasabi kapag hindi siya nagpapakita sa akin.
Gusto ko sanang malaman kung saan na siya at kung ano ng ginagawa niya pero wala akong cellphone number niya at hindi ako gumagawa ng social media account kung sakali mang i-message siya roon.
"Hindi na talaga maganda 'to." Bulong ko sa sarili at ipinilig ang ulo. Ayaw kong aminin sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko pero pilit namang kinokontra ito ng puso ko.
Kinabukasan ay wala ng pasok hanggang sa araw ng Pasko. Nagkulong lamang ako sa apartment at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga librong binili ko. Pero hindi ako nakakapagconcentrate dahil naaalala ko na naman ang gabing iyon. Ang gabi kung saan nasira ang pamilya ko, kaya ayaw na ayaw ko ang Pasko at pilit na kinakalimutan ang araw na ito dahil sa masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay ko. Pero sinong niloloko ko? Dahil sa tuwing naririnig ko ang mga tugtugin sa labas, mga batang nagkakaroling at ingay ng mga tao ay bumabalik sa akin ang lahat at dumagdag pa sa iniisip ko ang baklang iyon.
Bigla kong naalala noong kumatok siya sa pinto ko bisperas ng Pasko. May dala siyang pagkain that time pero pinagsarhan ko lang siya ng pinto. Katok siya ng katok pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa tumigil siya.
Nawala ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement.
Sh!t! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Parang may something na akong nararamdaman. Kakaiba na ang tinitibok ng puso ko.
Tangna!
Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili sa salamin at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gelo. Gusto ko ring ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka ano pa ang isipin ng batang ito.
"Hi Kuya Kris. Long time no see and Merry Christmas po." Wika nito na abot tainga ang ngiti sabay lahad ng dalawang paper bag. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon pero sumuko rin ako.
"Merry Christmas, salamat." Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Kahit nga ako ay nagulat dahil sa unang pagkakataon mula sa huling pagkakataon ay nasabi ko ang salita iyon sa ibang tao.
Inabot ko ang paper bag na binigay niya at inaya siyang pumasok na mas lalong ikinaawang ng bibig niya.
"Kung ayaw mong pumasok isasara ko na ang pinto." Banta ko pero hinarang niya agad ang kamay niya rito. Napangiti muli ako sa aking isipan.
"Huwag kuya, papasok na po ako." Pagpigil niya at pumasok. Isinara ko ang pinto.
"Pasalamat ka at pinabigyan kita." Sabi ko nang sundan ko siya. Hindi siya sumagot dahil nasa paglilibot ng silid ko ang atensyon niya.
"Kahit maliit, ang ganda ng kwarto mo kuya. Ang linis pa. Tapos amoy ikaw. Ang bango." Aniya nang humarap sa akin. Napamura ako sa aking isip nang pang-initan ako ng pisngi.
Iniwas ko na lang ang tingin ko lalo pa't ang lapad ng ngiti niya. Sh!t! Bakit nagiging kyut sa paningin ko ang batang 'to?
"Pwede mong hubarin 'yang cap mo." Sabi ko na lang. Nakakapanibago ba nakasuot siya ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Piliin Mo Maging Masaya (COL II) (Bxb)
Короткий рассказIto ang naging entry ko sa ikalawang yugto ng Carols of Love. Full credits to LGBTPH.