Part 3 (finale)

1.1K 62 9
                                    

Napapahid ako ng luha bago tumayo upang harapin ang nagsalita. Isang babae na sa tansya ko ay nasa mid 40's ang edad.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ng anak ko?" Sunod na tanong nito.

"Magandang araw po Ma'am. Ako si Kris. Kaibigan ni Gelo."

Nagulat ito. "You're Kris? The one that Gelo talks about. Walang bukambibig ang anak ko kung 'di ikaw hijo." Pinagkatitigan niya ako. "No wonder gusto ka ng baby ko." Anito na ikinagulat ko. Hindi nga nagsisinungaling sa akin si Gelo na sinasabi niya sa mommy niya ang lahat.

"I'm his mother, by the way."

Hindi pa ako nakakabawi nang tanungin ako nito na pwede sana akong kausapin ng masinsinan. Pumayag ako para na rin malaman ang kalagayan ni Gelo.

"M-May leukemia ho siya?" Halos hindi ako makapagsalita nang ikwento sa akin ni Mrs. Montalban ang lahat. Nasa labas kami ng kwarto ni Gelo.

"How I wish na sinabi niya agad sa akin ang sakit niya at hindi na umabot pa sa ganito. He's open with everything lalo na sayo pero sa sakit niya..." Hindi na natapos ng ginang ang sasabihin dahil sa umiyak na ito. Kahit ako ay gusto na ring umiyak pero kailangan kong maging matatag para kay Gelo. Ayaw kong tanggapin ang maari niyang sapitin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya. 

"Please stay beside him Kris.  Kaunting oras na lang ang natitira sa kanya. I want my son to be happy bago man lang siya mawala."

Hindi ko na mapagilan ang sarili na mapaluha. Sinabi sa akin ni tita na hindi na kayang magpagamot ni Gelo. Hindi na niya kayang magpa-chemo therapy at ayaw ng tumanggap ng gamot ang katawan niya. Tinanggap na rin ni tita ang maaring sapitin ni Gelo pero ako hindi. May pag-asa pa. Kailangan niyang mabuhay para sa mommy niya at para sa akin.

"Nangangako ako tita. Hindi ako aalis sa tabi ni Gelo."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay bumalik ako sa kwarto ni Gelo. Nadatnan ko siyang gising. Nagulat siya nang makita ako.

"W-What are you doing here?"

Sa halip na sagutin ay lumapit ako at niyakap siya.

"Gag* ka! Bakit hindi ka man lang  nagparamdam. Miss na miss na kita." Hindi mapigilang bulalas ko.

Malaki talaga ang nabago sa sarili ko dahil kay Gelo. Hindi ko na kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko.

"Gag* ka! Matapos mo akong guluhin ng isang taon, titigil ka lang ng basta-basta. Ng walang pasabi." Dagdag ko pa.

Bagamat nagtataka. Napangiti siya.

"Galit ako sayo. Tangna!"

"Shhh. Tahan na. Baka sabihin mong pinapaiyak kita." Aniya at napatawa. Napatawa na rin ako. Ilang sandali ay napatigil siya.

"Wait, sinabi mong namiss mo ako? Totoo ba 'yon?" Pasaring niya na ikinatanggi ko.

"Hindi ah!"

"Asus. Deny pa. Eh sinabi mo na kaya. I miss you to."

Patuloy ang pagtanggi pero sumuko rin ako kinalaunan.

"Oo na. Namiss kita."

Napangiti sa sa pag-amin ko. Agad naman akong nagpanik nang napadaing siya. Hawak niya ang kanyang tiyan.

"Saan ang masakit? Tatawag ako ng Doktor!"

Pinigilan niya ako nang aakmang tatayo. "Okay lang ako Kuya."

"Eh---" Hinawakan niya ang kamay ko. Napamura na lang ako nang makita ang mukha niyang nagpapaawa.

Gusto ko ng maiyak at tumawag ng doktor para gamutin siya. Napakaputla niya na at pinipilit lamang na maging malakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Piliin Mo Maging Masaya (COL II) (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon