Part 1

2.8K 57 0
                                    

Author' note:

Ito ang entry ko sa ikalawang kwento ng COL (Carols of Love). Gusto ko lang i-share sa mga hindi pa nakakabasa kaya pinost ko rito.

Full credits to lgbtPH.
Book cover made by MrBlue_x

***

Ilang taon na ba? Ilang taon na bang wala sa kalendaryo ko ang Pasko?

Hindi ko alam. Basta para sa 'kin ay normal na lang ang araw na ito.

Ang Pasko ay para raw sa pamilya. Masayang salubungin kapag sama-sama ang bawat miyembro ng pamilya na kahit walang pang-noche buena, mga regalo o kung ano pa man, basta't nariyan ang bawat isa at patuloy na nagmamahalan.

Eh pa'no ang isang tulad ko?

Paano ko mararamdaman ang isang buong pamilya na ang mga magulang ko mismo ay may sari-sarili ng mga pamilya? Paano ko mararamdaman ang kasiyahang iyon kung kailanma'y hindi na kami mabubuo pa?

My parents seperated when I was 10 years old. At sa kamalas-malasan ay sa araw ng Pasko pa nangyari iyon. Sariwa pa sa alaala ko kung paano tinapos ng mga magulang ko ang pagsasama nila sa lagpas isang dekada. At ang mas masakit, nalaman kong bunga lang pala ako ng isang pagkakamali. Ako lang ang nag-iisang dahilan kung bakit sila napilitang magsama.

Ang sakit. Sobrang sakit.

"Maghiwalay na tayo Alfredo. Hindi ko na kaya." Saad ni mama kay papa habang tahimik kaming kumakain nang gabing iyon.

Hindi nagsalita si papa sa halip ay tumayo at tinungo ang kwarto nila ni mama. Paglabas niya ay may dala na siyang mga maleta. Walang kaemo-emosyong tiningnan niya lang ako bago siya tuluyang umalis.

Palaging ganoon ang sitwasyon sa tuwing nag-aaway sila pero hindi ko sukat-akalain na iyon na ang huling hapunan naming magpamilya. Sa dinami-dami ng pamilya sa buong mundo, pamilya ko pa ang nakaranas ng masalimuot na pangyayaring iyon.

Kaya, wala ng saysay sa akin ang araw na ito. Patay na ang puso ko para ipadiriwang pa ang sinasabi nilang pagmamahalan sa bawat isa at iyon ang namulatan ko sa murang-isip kaya mahirap ng tanggapin para sa akin ang bagay na iyon. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. 

Pero ano pang magagawa ko? kinakailangan ko ring tanggapin ang lahat ng sinapit ko at ipagpatuloy ang buhay. Walang mangyayari sa akin kapag nagmukmok lang ako sa isang tabi.

"Sasali ka ba sa Christmas party, Kris?" Tanong ng isa sa mga co-employee ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Isa lang akong simpleng office staff at kasya lang sa pangsariling gastos ang sinasahod ko.

Binibigyan naman ako ng mga magulang ko pero hindi ko pinapansin iyon. Hanggat maari ay ayaw kong tumanggap ng kung ano mang galing sa kanila.

"Kayo na lang." Tanging naisagot ko rito. Nakita ko naman ang pagsimangot nito at narinig ko pang sinabihan akong suplado pagkaalis nito. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala akong pakialam kung anong sasabihin nila. I don't do friends either. Ni isa ay wala akong naging kaibigan. May nakakausap naman pero walang closeness na matatawag. Focus lang ako sa trabaho at wala ng iba pa.

Napakaboring naman ng life mo.

Naalala ko pang may nagsabi sa akin.

Never pa ata kitang nakitang masaya o kahit ngumiti eh.

Sungit! Akala mo naman gwapo.

Wala silang pakialam. I don't give a damn. Iyon ako eh at wala ng makapagpapabago pa sa 'kin. Sarado na ang puso ko sa mga gano'ng bagay.

Piliin Mo Maging Masaya (COL II) (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon