Naalipungatan si Stanley ng may kung ano siya nalalanghap sa paligid. Amoy iyun ng isang tao. Nagmulat siya ng mga mata. Nanatiling natutulog ang mga alagang pusa niya. Maingat niya inalis sa kandungan niya ang dalawang puting pusa at itinabi sa iba pang pusa na natutulog sa ibabaw ng desk niya.
Sinulyapan niya ang suot na Rolex sa pulsuhan niya. May labinglima minuto na lang bago sila magsara. Tumayo siya at nag-inat. Natigilan siya ng muli niya malanghap ang amoy na yun.
Amoy pineapple iyun. Pinakiramdaman niya ang paligid may palagay siyang nasa malapit lang ang pinagmumulan ng amoy na yun. Sino kaya nagpasok ng pagkain sa loob ng library niya?
Tinanggal niya ang nakapasak na earphone sa magkabila niyang tainga.
"Wow! Ang daming kwentong lobo! May tungkol din sa mga witch at Vampire!"
Nagsalubong ang kanyang kilay. May tao sa likod ng pinakahuling bookshelves na nasa harapan lang niya.
Mukhang may malakas na loob ang sinuman nasa likod ng shelves na ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na kinakatakutan ng mga tao ang dulong bahagi ito. Pinagkikibit lang niya iyun ng balikat.
"Shit! Ang dami! Ano kaya uunahin ko dito! Astig! Parang sinaunang libro pa ang mga ito!"
Narinig niyang muli saad ng isang babae. Yes,isang babae ang maingay na nagsasalita sa likod ng shelves.
Lumapit siya sa shelves at doon lalo nanuot sa matalas niyang pang-amoy ang amoy pineapple na iyun.
Mukhang sa babae ito nanggagaling ang amoy na yun.
Muli niya pinakinggan ang babae sa likod ng shelves pero tanging paghawak nito sa libro ang naririnig niya ngayon. Lahat sinisipat nito.
Humalukipkip siya. Mukhang marunong ito tumingin ng libro. May ilan kasi na namimili ng babasahing libro ay binabase lamang sa cover pero hindi sa isang ito.
Binabasa nito ang buod sa likod ng libro.
Alam mo,gusto ko siya makita? May pakiramdam kasi ko parang may mangyayare? Anang ng kanyang inner wolf.
What do you mean? tugon niya gamit ang isip.
Basta! Silipin na natin siya!
Ilang minuto bago niya sinunod ang kagustuhan ng kanyang inner wolf. Sa totoo lang hindi niya gusto na may nakakakita sa kanya.
Minsan na siyang pinagkaguluhan lalo na ang mga babae dahil sa pisikal na anyo niya at lalo pa pansinin ang kulay pilak niyang mga mata na namana niya sa kanyang Mama Senneth.
Allergic siya sa maingay at pinagkakaguluhan ng lahat.
Walang ingay na humakbang siya sa pinakasulok ng shelves. Sisilip siya at hindi magpapakita sa babae na gusto makita ng inner wolf niya.
Nalukot ang ilong niya ng lalo maging matapang ang amoy ng pineapple na yun. Hindi naman siya mabaho sa pang-amoy. Hindi lang niya nakasanayan ang ganun amoy.
Mula sa sulok nakita niya ang babaeng na nakatagilid sa kanya at nakatingkayad na pili na inaabot ang libro na mataas na bahagi na nakasalansan.
Napabuga siya ng hangin. Pwede naman nitong gamitin ang hagdanan na nasa gilid lang nito bakit hindi iyun gamitin ng babae?
Tatalikuran na lang sana niya ito ng maalarma siya.
Marahas siya napabaling muli sa babae ng makita na mababagsakan itong ng libro na pilit nitong inaabot.
Isang iglap lang ay pinahinto niya ang pag-ikot ng oras. Ang kanya espesyal na kakayahan na magpahinto ng oras o pahintuin ang paligid niya na namana rin niya sa kanyang Mama Senneth.
Mabilis na nilapitan niya ang babae na nakaekis ang mga braso sa ulunan nito. Inabot niya ang nakabitin sa ere na papahulog na libro.
Sinipat niya iyun habang naka-freeze pa rin ang paligid.
Isang libro na tungkol sa mga lobo. Mukhang mahilig ito sa mga lobo.
"A-anong n-nangyayare?"halos pabulong na usal ng babae.
Nabitawan niya ang libro hawak sa pagkabigla ng magsalita ang babae.
Nagtama ang kanila mga mata at halos mamutla siya ng makita ang pagkabigla nito sa nakikita.
"I-imposible?" awang mga labi usal niya.
Nanlaki ang mga mata nito at nasa mukha nito ang hindi pagkapaniwala at shock.
This is so impossible!
BINABASA MO ANG
Howling for Love Series 5 : STANLEY WILSON byCallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Whiteandbrownwolf #2ndgeneration #Family #Romance #Mate #dreame