Chapter 3

6.2K 224 2
                                    

Puno ng pagkamangha na nakatingala si Valerie sa mga abot-kisameng bookshelves na pinaglalagyan ng mga libro. Bawat shelves ay may mga hagdanan na nakalaan para gamitin sa pagkuha ng libro sa mataas na bahagi ng shelves.

"Bakit ngayon ko lang nalaman ang lugar na ito?" usal niya habang mangha pa rin nakatingala roon.

"Kailan ka lang ba lumabas ng lungga mo? Eh lalabas ka lang naman kapag magpapasa ka ng manuscript mo," tugon ng kaibigan si Carla.

"Kailan pa ba naitayo ang lugar na ito?" mangha niya saad na ngayon ay nililibot ang kabuoan ng lugar. Bookshop na library pa!

Napakalawak niyun nasa kabilang bahagi ang kinaroroonan ng bookshop at ang bahagi ng library ay ang kinaroroonan nila ngayon ay ilang hakbang mula sa bookshop tanging makapal na salamin na dingding lang ang pagitan pero hindi kita ang labas marahil para hindi madistract ang mga mangbabasa sa loob kung saan nakapwesto ang mga nakalaan na upuan at lamesa kaya may privacy ang gusto magbasa sa loob ng library.

Nang pasukin nila ang bahagi ito parang siya pumasok sa ibang dimensyon ng mundo. Hindi niya aakalain na sobrang lawak at nagtataasan ang mga bookshelves sa loob. Grabe lang nakakamangha talaga!

May ilang tao ang nagbabasa na at ilan naman ay kasulukuyan naghahanap sa mga nakahilerang libro.

"Ang pagkakaalam ko tatlong dekada na mula ng itayo ito..."anito.

Nabaling siya rito. " 30 years na?! Wow! Sabagay kailan lang naman ako nai-stay dito sa Maynila saka hindi pa ako gala kaya para akong istranghera sa sarili kong bansa,"saad niya.

Tumango ang kaibigan. "Tama!"

"Saan ba banda yung mga libro na tungkol sa mga lobo?!" naeexcite niya saad.

"Shhh! Hinaan mo nga boses mo kahit na malawak ang lugar na ito at walang bantay kailangan quiet tayo nasa library kaya tayo," sita sa kanya nito.

Nasapo niya ang bibig at nginisihan ito.

"Nasaan ba?" naiinip niya saad.

"Well,nasa pinakadulo ng shelves yung mga libro gusto mo,"anito.

Naeexcite na agad na humakbang siya patungo roon pero napabalik siya ng pigilan siya sa braso ng kaibigan.

"Bakit?" nagtataka niyang saad.

Atubili itong sumulyap sa dulong bahagi ng library.

"Bakit?" pag-ulit niya.

Bumuga ito ng hangin. "Ang usap-usapan wala daw nagtatangka na pumunta sa dulo bahagi iyun ng library kasi daw nakakakilabot daw dun,para daw may tao daw dun na hindi pangkaraniwan,hindi ko lang alam baka dahil doon nakatambak ang mga libro na tungkol sa mga kababalaghan!" nanlalaki ang mga mata nitong saad. Halatang nababagabag sa kwento-kwento iyun.

Pagtawa ang naging reaksyon niya sa sinabi ng kaibigan. Tinapik niya ang balikat nito.

"Okay lang na wag mo na ako samahan doon saka ano ka ba hindi naman siguro itatayo ang library ito para manakot sa mga tao na wala hangad kundi ang makapagbasa lang,Tss! Nagpapaniwala ka sa mga usap-usapan yan,di lang nila tipo ang ganun genre kaya kung ano-ano sinasabi,saka naeexcite na ko makakita ng libro na tungkol sa mga lobo o mga witch!" aniya.

Bumuntong-hininga ito. "Hindi na kita sasamahan,sorry," anito.

Nakakaunawang tinanguan niya ang kaibigan.

"Okay,paano? Maiwan na kita," aniya.

"Uy,mag-iingat ka ha? Kapag may kakaiba dun takbo at sumigaw ka lang," pahabol nito sabi sa kanya.

Tinanguan na lang niya ito.

Ganun ba kaweird ang dulong bahagi ng library ito? Tss,kung ganun solo pala niya ang dulo bahagi iyun! She love that!

Howling for Love Series 5 : STANLEY WILSON byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon