Chapter 5

6.6K 240 6
                                    

Hindi niya alam kung nasa tamang pag-iisip pa siya. Oo,mahilig siya sa mga misteryo at hindi pangkaraniwang kwento gaya ng pagkahilig niya sa pagbabasa ng tungkol sa mga lobo. Writer pa nga siya ng genre iyun.

Pero hindi sa mga oras na ito hindi niya na alam ang totoo sa hindi. Nasa realidad pa ba siya o nasa kathang-isip lang siya?

Kitang-kita niya ang bigla paghinto ng buong paligid lalo ng sumulpot ang isang lalaki at abutin nito ang libro na babagsak sana sa kanya na kahit iyun ay nahinto sa ere.

Oo! Nakita niyang tumigil iyun sa ere! Magikero ba ito?! O ano?!

Lalo lamang siya nagulat ng makita ang mga mata ng lalaking  lumapit sa kanya.

Kulay silver iyun! Shit! Contact lense lang ba yun o totoo?!

Nang marinig niya magsalita ito bigla siya nangilabot pero hindi dahiL sa takot o ano,kakaiba iyun nagpakislot sa kanyang puso.

Lalaking-lalaki ang boses nito at nasa gwapong mukha nito ang hindi pagkapaniwala sa nakita nitong reaksyon niya.

Kung gulat ito triple naman ang gulat niya sa nasaksihan niyang iyun.

Bigla niya naalala ang sinabi ng kaibigan na kinatatakutan ang bahagi ito dahiL may kababalaghan daw nangyayari at mukha ito ata yun!

Nang rumihistro sa utak niya ang lahat tangka siya sisigaw ng bigla naman nitong takpan ang bibig niya. Tila ba alam na nito agad ang gagawin niya iyun kaya isang marahas na pagsinghap ang tangi nagawa niya.

Nanlaki ang mga mata niya kabiglaan. Ang kabog ng dibdib niya ay lalo pang dumoble hanggang sa masakit na iyun sa dibdib niya.

Naisipan niyang magpumiglas rito pero natigilan siya ng balutin siya ng init na sumisingaw rito.

Kinakalma siya niyun. Nanlalaki ang mga mata niya na nakatitig sa kulay pilak na mga mata ng lalaki na may napakagwapong mukha.

Isang napakagwapong mukha na sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng uri nito.

Ang mga pilak nitong mga mata ay tila nanghihipnotismo. Parang hinahatak ang kaluluwa niya na matutulala ka na lang sa kanya.

"Don't shout,wala ako gagawin masama sayo,Miss.." anas nito sa tapat ng mukha niya.

Nanatili lang siya nakatitig rito hanggang sa magdilim ang paligid niya.

Oh shit! Gusto na niya magising sa panaginip na ito!

Kung nanaginip man siya!

Agad na dinala ni Stanley ang babae sa kinaroroonan ng desk niya.

Damn,nahimatay ito!

Hindi ako makapaniwalaAnang ng inner wolf niya.

Maingat na iniupo niya sa pader ang babaeng wala pa rin malay.

Agad na nagsilapitan ang mga pusa niya sa babae.

"Behave,nahimatay siya dahiL sakin,"kausap niya sa mga ito.

Nanatili naman nakaupo lang paikot ang siyam na pusa sa babae.

Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita nito ang ginawa niya.

Siya ang mate natin,Stanley! Nagdidiwang na alingawngaw ng inner wolf niya.

Naikuyom niya ng mariin ang kanya mga palad.

Pinagmasdan niya ang babae. Walang duda na ito nga ang mate niya. Nasapo niya ang dibdib kung saan mabilis pa rin tumitibok ang puso niya.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Nagtagpo na ang landas nila ng babae itinakda sa kanya!

Nasa DREAME na po itong series.

CallmeAngge in DREAME.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Howling for Love Series 5 : STANLEY WILSON byCallmeAngge(INCOMPLETED) 🎉
Howling for Love Series 5 : STANLEY WILSON byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon