Epilogue
"Zake, ang sabi ni mommy lumipat ka na raw nang school."
Binigyang pansin ko ang Ate kong busy sa pag-aayos nang aming hapag. Habang ang kapatid kong si Zia ay nakaupo na sa kaniyang pwesto. Umupo naman na ako sa pwesto ko at ganon din siya.
"Why?" Tanging tanong ko.
Hindi ako ganon kinakausap sila. Mas gusto kong makinig ng musika o kaya'y magbasa ng libro. Tumingin naman siya sa akin.
"Ayaw niya na sa eskuwelahan mo, hindi ka pa rin naman nakikipag-halubilo. Ano? Wala kang balak palitan sila Karl at Blake?"
Tumango na lamang ako bilang sagot. Wala narin naman akong balak pang umayaw sa desisyon nila ni Mommy. Boring na rin sa school kaya magandang desisyon na yun para makahanap ng panibago.
"Osige, ako na mag-aasikaso ng mga kailangan mo."
Tulad nga nang gusto nila, lumipat ako sa school nang hindi nagpapaalam sa dalawa kong kaibigan. Hindi ko alam kung paano ko nakasundo iyong dalawa. Basta ang alam ko lang hindi nila ako pinipilit mag-kwento nang kung ano sa kanila. Habang sila kapag may problema sa akin lumalapit kahit na alam nilang wala akong pwedeng i-advice.
"Bakit ka lumipat, bro?" Tanong ni Blake nang magkita kami.
Inakbayan naman ako ni Karl, "Oo nga bro, walang pasabi."
"Nakakasawa kasi kayong dalawa." Biro ko.
"Grabi ka naman sa amin Zake, wala nga tayong galaw minsan." Sabi ni Blake na parang nagproprotesta.
Tinawanan naman siya ni Karl. Tinanggal ko ang pag-akbay sa akin ni Karl at sumandal sa inuupuan ko. Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa bago kong school.
"Ang laki nitong school nyo ha. Magkano tuition dito?" Tanong ni Blake.
"Huwag mo nang pangarapin." Sagot ko.
"Nako, saka na ako mag-aaral diyan kapag matino na ako iyong tipong hindi na ako mag-bubulakbol." Sabi ni Karl.
Tinawanan naman namin siya ni Blake. Hindi ako ganon katahimik sa tuwing kasama itong dalawa. Biruin niyo, hindi ko aakalain na tatagal sila sa akin nang isang taon.
"Mauna na ako, may pasok pa ako." Paalam ko saka ko kinuha ang bag ko.
"Osige pre, enjoy your first born sa Saint Harvest. Mukhang maraming chicks diyan. See you sa next pasukan. Sisiguraduhin namin na dito din kami mag-aaral." Sabi ni Blake.
Tinanguan ko naman sila, "Sige, asahan ko."
Lumabas na nga ako nang coffee shop at dumiretso na sa may gate ng school. Pumasok ako doon at hindi pinapansin ang iba. Kinuha ko ang earphone ko at sinaksak ito sa tainga ko. Habang ang iba ay nag-bubulungan at nag-ngingisian na mga babae sa twing daraan ako. Walang pinagbago. Kahit sa school ko dati araw-araw nilang ginagawa iyan.
Pumasok ako sa auditorium at nag-hanap nang mauupuan bago magsimula ang opening ceremony. Umupo ako sa bandang likuran at tinanggal ang earphone sa tainga.
Now, I don't know what's with me kung bakit ganito ang reaksyon ng mga kababaihan sa akin. Hindi sa malaki ang ulo ko, ayoko lang talaga.
Nagsimula ang opening ceremony at ipinakilala ang mga pangunahing tao sa stage. May iilan namang tilian mula sa estudyante nang magpakita ang anak ng may-ari ng school. Okay, masasabi kong may itsura nga ito.
Matapos ang opening ceremony ay naglabasan na ang mga estudyante. Hindi pa rin natigil ang paghihilahan ng mga babae na lumalapit sa akin. I sigh deeply. Hindi ko na rin talaga minsan maiwasan hindi mainis. Tinapunan ko nang tingin ang mga babaeng nag-ngingisian malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
My Seatmate
Teen FictionAmielle Vianna Lacson had a crush on her seatmate for almost three years. In those years, they didn't have any good communication, and she was always teased by him. Despite the rude attitude of her seatmate, she realizes she is little by little fall...