"S-sino ka?" gulantang kong tanong sa lalaking nakatopless sa harapan ko. Hawak ko ang pinto para kapag sinugod niya ako ihahampas ko ito sa pagmumukha niya.
Medyo hindi ko maaninaw ang mukha niya dahil madilim na sa labas. Napaatras naman ako ng lumapit siya saakin. Naamoy ko ang kaniyang hininga.
Amoy c-catfood?
"ANO BA?! Lumayo ka nga sa'kin. Ano bang kailangan mo? Ha?" Tapang tapangan kong tanong sakanya pero sa totoo lang nanlalambot na ang tuhod ko. Hindi pa rin siya sumasagot.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Baliw!" Akmang isasara ko na ang pinto pero nagulat ako dahil pinigilan niya ang pagsara ng pintuan.
Unti-unting nasinagan ng ilaw ang kaniyang mukha. At napatanga ako sa mukha niya. Lalo na sa mata niyang kulay ginto. Ngumiti siya sakin. M-may maliit siyang pangil.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko. Hawak na pala niya ko ng 'di ko namamalayan. Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Napakurap naman ako dahil dun. Tila naestatwa sa kaniyang ginawa.
Nagtaasan bigla ang balahibo ko ng ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. At para bang kinikiskis niya ang pisngi niya sa leeg ko.
WTF?!
Naitulak ko siya dahil dun. At mukhang napalakas yon dahil napaupo siya.
"Meow."
At nasilayan ko na nga ang kabuuan ng baliw na lalaking ito.
Messy hair, golden eyes, tail, and six pack abs. Hay abs~. T-teka bakit may buntot 'to?!
Nanatili lang siyang nakaupo at nakatitig sa'kin na para bang may hinihintay siyang gawin ako. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ng inilagay ko ang kamay ko sa kaniyang buhok para guluhin iyon. Nagningning ang gintong mata ng lalaki ng ginawa ko iyon at gumapang malapit sa binti ko. At muli niyang ikiniskis ang pisngi sa aking binti.
Wait. This feels familiar.
Flashback
"Percy behave ka lang dito ha para hindi ka pagalitan ni Daddy at ni Tita Aura. Promise pag nagbehave ka, bibilhan kita ng paborito mong catfood." Bilin ko sakanya habang inaayos ang bag kong pampasok.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko nang...
"Meow"
Napalingon naman ako kay Percy at nakita ko siyang nakatingala sa'kin na para bang may hinihintay siyang gawin ako. Hindi ko naman siya binigo dahil agad akong umupo sa harap niya para ilagay ang kamay ko sa kanyang ulo at ginulo ang kanyang itim na balahibo.
Gustong-gusto ni Percy pag ginagawa ko yon kaya nagningning ang mata niya at parang nakangiti pang nag-meow sa'kin.
"Babye na Percy!"
End of flashback
"Naaalala mo na ba Master?" bumalik ang diwa ko ng marinig ko ang baritonong boses na iyon.
"P-percy?" medyo nauutal kong tanong sa nakakalokang conclusion ko.
"Yehey! Naaalala ako ni Master. I miss you Master." sabay hug sa'kin ng human Percy na 'to.
Huh?
![](https://img.wattpad.com/cover/139493940-288-k248951.jpg)