Chapter 1

5 0 0
                                    

1 day ago

"A-aray! Tita masakit po" Reklamo ko sa kanya. Nanggigigil niyang hawak ang tenga ko.

"Talagang masasaktan ka. Walang kwentang bata na ito! Diba sabi ko sayo wag na wag kang magkakamaling taasan ng grades si Jenny." Nangagagalaiti niyang sabi sa'kin.

"Pasikat kasi 'yan Mommy eh. Gusto niya lahat ng attention eh sa kanya." Narinig ko nanaman ang matinis na boses  ng buwisit na Jenny Maldita na 'to. "Akala naman niya eh pupurihin siya ni Daddy dahil dun. Hmp. Kelan ba pinuri ni Daddy ang bastarda na yan."

Dinuro niya ako. "Hoy! Kahit ikaw pa ang maging pinakamagaling sa buong mundo. It won't change the fact that you're a bastard."

Napapikit naman ako ng madiin sa sa sinabi niyang iyon. Ano nga ba naman ang laban ko sa tunay na pamilya ni Daddy?

Ten years old ako nang lumipat ako sa bahay na ito. It's been 8 years since that day. Ang araw na nalaman ko ang lahat. Bastarda ako. Ibinebenta ng namayapa kong ina ang kaniyang sarili. Nagkakilala ang magulang ko. Nabuo ako.

Talo na naman ako. Hindi na naman ako makakalaban nang gamitin niya ang barahang ito. Ang katotohanang hindi ako tanggap ni Tita Aura at ng half sister ko na si Jenny.

"At dahil pinahiya mo nanaman akong buwisit ka! Pinatapon ko na kay Mang Tommy ang pinakamamahal mong pusa. " Nakangisi niyang sabi sa'kin.

Napamulat naman ako sa sinabi niyang iyon. S-si Percy?

Nagdilim ang paningin ko. Inalis ko ang pagkakahawak sakin ni Tita at mahigpit na hinawakan sa braso si Jenny.

"Anong sabi mo? Anong ginawa mo kay Percy?" nanggigigil kong tanong sakanya.

Mukhang hindi naman siya naapektuhan sa talim ng titig at higpit ng kapit ko sakanya. Ngumisi pa siya sa'kin.

"Ipinasako ko ang pusa mong pangit at ipinatapon ko kay Mang Tommy sa ilog." She's saying it as if she's taunting me.

Hindi na ako nakapagtimpi pa. Hinablot ko ang buhok ng buwisit na babaeng ito at inginudngod ko sa bagoong na inulam ko kanina. Hindi ko sya tinantanan ng sabunot.

"Si. Percy. Na. Lang. Ang. Pamilya. Ko. Kinuha. Mo. Pa. BRUHA KA!" sigaw ko sakanya. Dinaganan ko siya at nilamukot ang pangit niyang mukha. Apihin na nila ako wag lang ang pusa ko. Wala na si Percy. Wala ng mawawala sa'kin. Todo bigay na ang pang-aaway ko sakanya.

Hindi naman magkandamayaw sa pagpigil ang kaniyang nanay sakin. Nararamdaman kong hinihila niya ako palayo kay Jenny. Pero hindi ako nagpatinag. Patuloy pa din ang pananakit sa kanya hanggang sa...

"LISA! ANONG GINAGAWA MO KAY JENNY?!" dumagundong ang boses ni Daddy sa buong bahay. Nilayo niya ako kay Jenny. At nang magawa niya yon agad niyang nilapitan si Jenny na putok na ang labi at ngumangawa kay Daddy. Dinaluhan din siya ni Tita Aura at nang makita ang mga natamong sugat ng anak niya masama niya akong tiningnan.

"D-dad si Lisa po. Gusto ko lang naman po siyang icongratulate dahil Dean's Lister siya kaso bigla na lang niya akong sinabunutan kasi hindi daw ako dapat na naging dean's lister din. Dapat siya lang daw po." Niyakap niya si Daddy.

"Daddy... Hindi po toto--" hindi ko na natuloy ang paliwanag ko nang sampalin ako ni Tita Aura.

"Sumusobra ka na talaga Lisa! Pinatuloy kita sa tahanan ko. Inalagaan at minahal tapos ito lang ang igaganti mo sa'kin" Lumingon naman siya kay Daddy "Leandro hindi ko na kayang rendahan ang batang iyan. Pagod na pagod na ako." Pinalis niya pa ang peke niyang luha sa pisngi.

Hindi ko na kayang tingnan pa si Daddy. He looks disappointed.

"Dad..." Tawag ko sa kanya. Pero tinalikuran niya ako. Habang inaalalayan si Jenny. Agad namang sumunod si Tita. Pasimple pa siyang lumingon sakin at ngumisi.

Unti-unti akong napaupo. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Gusto ko ng mawala. Percy sasama na ako sayo. Percy alisin mo ang sakit sa puso ko. Pakiusap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad KittyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon