Kabanata 1

8.8K 292 105
                                    

Kabanata 1

Apo

Pagpasok ko sa kwarto ni Hunk ay agad kong binagsak ang sarili ko sa kama niya. Pinasadahan niya lang ako ng tingin at dumiresto na siya sa cr. Pumikit ako habang nakangiti at dinadama ang malamig at malambot niyang kama.

Anong oras na natapos ang kasal kanina, pati na rin ang reception. Kaya pasado alas dos na ngayon. Pagod na pagod ang katawan ko ngunit hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko, simula kaninang umaga. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal. Kahit hindi totoo ay sobrang saya ko.

Sa tagal ni Hunk sa cr ay nakaidlip na ako. Naalimpungatan lamang ako nang parang may inaayos siya sa harap ng tukador. Kumunot ang noo ko at pinanuod ko ang ginagawa niya. Nilalagay niya roon ang napakaraming make up na mukhang galing sa tagong parte ng kwarto niya.

"Huwag na huwag mo pakikielam ang nga gamit kong ito, okay? At kapag pumasok sina Mommy rito sa kwarto ko, sabihin mong iyo ito..." hinarap niya ako nang matapos siya.

Wala sa sariling tumango naman ako sa mga bilin niya. Bumangon ako at kinuha mula sa dala kong travel bag ang mga pamalit para makaligo na rin. Habang namimili ang damit ko ay biglang lumapit sa akin si Hunky at umupo sa gilid ng kama habang pinapanuod ang bawat galaw ko.

"Huwag mo nang ayusin ang mga gamit mo dahil lilipat na rin tayo ng bahay sa susunod na araw."

"Huh? Saan?" Takang tanong ko sa kanya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin pababa. Nakataas ang ulo niya at tanging mata lang niya ang nakatingin pababa sa akin. Kung hindi ko lang alam na bakla ito ay siguro pinagnasaan ko na. Ang pogi, e!

"Sa magiging bahay natin. Regalo ni Daddy..."

Minsan ay nakakaawa rin ang isang ito. Lahat ay ginagawa niya para sa pamilya niyaㅡpara hindi sila masaktan. Kaya kahit ang kalayaan niya sa pagiging bakla ay tinatago niya dahil sa mga magulang niya. Pati na rin ang kagustuhan ng mga iyon na magpakasal siya ay sinunod ni Hunky.

"I love you, bakla!" Niyakap ko siya para naman maramdaman niyang may kaibigan siya sa katayuan ko.

"Ew! Hindi ka pa naliligo. Ang baho mo!" Pilit niyang tinatanggal ang braso ko sa katawan niya.

Tumawa lang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. Nawalan siya ng lakas at napahiga kaming dalawa sa kama. Inis na inis siya sa akin dahil marumi pa raw ako dahil hindi pa ako naliligo. Ang arte rin kasi ng baklang ito. Mas maarte pa sa totoong babae.

"Lumayo ka nga sa akin, Haggardo versoza!" Tili niya.

Binitawan ko siya habang tumatawa. Nakangiwi lang ang mukha niya habang pinapagpag ang sarili niya na para bang may naiwan akong germs sa katawan niya. Pinalo ko ang braso niya dahil sa sinabi niya. Inayos ko ang buhok ko at kinuha na ang pamalit.

"Alam mo kung bawas-bawasan mo sana iyang pagiging maarte mo ay baka maging magkaibigan pa talaga tayo!" Umiiling na sabi ko sa kanya.

"Keber! Actually, I don't want you to be my friend, bitch."

Minsan, imbes na mainis ako sa kanya ay natatawa pa ako. Bagay sa kanya ang maging bakla pero at the same time ay hindi rin bagay. Hindi ko maexplain. Parang bagay sa kanya na hindi.

Ang gwapo kasi niya at ang ganda rin.

Inirapan ko siya at kumendeng papasok sa cr. Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng cr niya. Ang laki! Mas malaki pa yata ito kaysa sa kwrato ko sa bahay namin. May bathtub din siya kaya agad akong naexcite. Hindi ko pa nasusubukan maligo sa ganito.

My Husband is a Gay (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon