Kabanata 7

7.1K 263 110
                                    

Kabanata 7

I'm Sorry

Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pagkatapos ng narinig nila mula sa akin. Pero alam kong kahit hindi, ay alam na nila kung ano ang ibig kong sabihin doon. Lalo na kay Eyerin at Sacker na lahat yata ng bagay ay nag-iisip ng kung ano.

Pagkatapos naming kumain ay nagbabad kami sa dagat. Hindi pa rin nagsasalita si Gym simula kanina. Problemado nanaman ang gaga kong asawa kung paano hihingi ng tawad sa magaling niyang boyfriend.

"Nagtataka talaga ako kay Hunk, hindi siya masyadong PDA, ano?" bulong na tanong sa akin ni Sacker.

"Anong PDA?" kunyare ay hindi ko alam ang ibig sabihin.

Patuloy ko pa ring sinusuri ang hawak kong bracelet na may naka-ukit na "Soul Paradise". Gusto ko sanang bilhin kaso nasasayangan naman ako sa pera kaya baka hindi nalang. Sayang din ang isang daan, ano! Marami nang pagkain ang mabibili no'n kaysa sa ito na iisang bracelet lang.

Tinignan ako ni Eyerin at saka umirap. "PaDede Ako. Iyon ang ibig sabihin noon, Eager!" sigaw niya pa sa inis.

"Panira talaga itong si Eager kahit kailan. Public Display of Affection iyon! Tanga-tangahan lang? Kunyare, hindi alam?!" sabi naman ni Sacker.

Kahit kailan talaga ang dalawa lang ito ang sisira ng buhay ko. Baka kasi hindi ako makatiis at mapatay ko sila. E, 'di sa kulungan ang tapon ko noon. Kaya mas mabuting iwasan ko nalang sila, kaysa makagawa pa ako ng kasalanan sa Diyos.

Hindi ko nalang sila pinansin. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakahanap kaagad silang dalawa ng p'wedeng paglibangan. May tatlong lalaki kasi malapit sa amin ay may itsura, hindi ko naman pinansin kasi imbes na matuwa ako ay nainis pa ako dahil baka mapansin iyon ni Hunk, at magkagusto pa siya roon.

"Ay, bawal na nga pala si Eager..." asar pa ni Sacker.

"Huh?" tanga-tangahan kong tanong.

Mukha namang hindi maliligo ang tatlong iyon dahil sa amin agad ang diretso nila. Nagtutulakan sila habang ang isa ay hawak ang cellphone. Tanging board short lang ang suot nila at walang pang-itaas.

"Hi, pogi. Anong kailangan nila?" walang hiyang tanong ni Eyerin.

"Uhmm," nagtaas-baba pa ang adams apple niya nang lumunok siya. "We're just asking kung may kasama ba kayo?"

"Bakla, may gusto yata sa atin!" bulong ni Sacker ngunit halata naman na kinikilig dahil sa katawan niyang akala mo ay namimilipit.

"Nagtanong lang, may gusto na kaagad?" sarkastiko kong sabi.

"Palibhasa kasi bawal ka na lumandi, kaya ganyan ka nalang kung maka-react!" ani Eyerin.

Umirap ako at pinanuod ko nalang sila kung paano sila makipaglandian doon sa mga g'wapong lalaking lumapit. Maganda naman kasi talaga si Sacker at Eyerin, may sapak lang talaga ang ulo nila.

Nilingon ko ang tatlong bakla na nasa silong na ngayon. Nakatingin sila ng seryoso sa amin habang nag-uusap. Siguro ay naiinggit nanaman ang mga iyan dahil sa g'wapo naming kasama. Hays. Kung sa ibang kwento ay kaya sila nakatingin nang ganyan sa amin dahil nagseselos sila kasi gusto nila kami. Sa kwento naman namin ay dahil nagseselos sila sa amin lumapit ang mga g'wapong lalaki, kaysa sa kanila.

"Hi, Eager..." tawag sa akin noong isa. "Iyon daw ang pangalan mo, e."

Nagkamot pa ng ulo iyon habang nakatayo sa harapan ko. Natamaan ng sinag ng araw ang mukha ko kaya isang mata nalang ang nakabukas. Sinilip ko siya gamit ang isang mata para matignan ko nang maayos ang mukha niya.

"Hey," sagot ko pabalik.

"May problema ba rito?" magsasalita pa sana ang lalaking nasa harap ko nang biglang sumulpot sa likod niya si Hunk.

Naka-board short lang din ang bakla at naka-shades. Napangiti ako sa ayos niya. Lalaking lalaki talaga siya. Hindi ko maiwasang isipin iyong nangyari kagabi, iyon nga lang ay wala akong matandaan. Nag-init bigla ang pisngi ko at paniguradong namumula iyon ngayon.

"Dude..." bati sa kanya ng tatlo.

Dumating na rin si Gym at Vamp. Mabuti sana kung totoong nakikipagkaibigan ang mga ito. Baka mauna pa sila sa amin sa landian. Mga bakla nga naman, oo.

Hinawakan ni Hunk ang braso ko at pasimple niya akong hinila sa tabi ko. Pagkatapos ay niyapos niya ang baiwang ko gamit ang kanan niyang kamay. Hindi naman ako makagalaw dahil ramdam na ramdam ko sa aking sariling balat ang mainit niyang katawan.

"Asawa ko," pakilala pa niya.

Natigil ang daloy ng dugo papunta sa ulo ko at naipon iyon sa mukha ko, lalo na sa pisngi. Hindi ko alam kung nakakahinga pa ba ako nang maayos ngayon, o malalagutan na ako ng hininga. Hindi ko maigalaw ang kahit isang daliri lamang.

"Ow. Mag-asawa pala kayo," disappointed na sabi noong lalaking nagpakilala sa akin kanina.

"Baka gusto ninyong sumama sa amin?" aya ni Eyerin.

"Hindi na. Marami pa kasi kaming pupuntahan, e." sabi ng isa at saka nagpaalam na silang umalis.

Nalukot naman ang mukha ng dalawa at sinisi pa ang tatlong bakla dahil nasira ang diskarte nila. Ako rin tuloy, nainis sa kanila. Alam ko naman kasing sadya iyong paninira nila ng diskarte, e. Dahil inggetera ang mga baklang ito.

"Hindi ibig sabihin na bakla ako ay p'wede ka nang mangaliwa..." pasimpleng bulong ni Hunk.

"Wow, ha? Tapos ikaw may boyfriend!?" inis na bulong ko.

Hindi na siya nagsalita. Sa inis ko ay pwersahan kong tinanggal ang kamay niya sa baiwang ko. Hindi naman sa mangangaliwa talaga ako. Ang nakakainis lang ay iyong pagbabawalan niya ako, tapos siya ay anytime p'wede sa lahat. Ang unfair naman niya!

"H'wag ka nanamang mag-inarte, Eager Crown, binayaran lang kita."

Hindi ko alam na may sasakit pa pala sa tusok ng injection na kinatatakutan ko. May mas masakit pa pala kaysa sa pagbubunot ng ngipin ko at may mas sasakit pa pala sa sumasakit na puson ko tuwing may dalaw ako.

Binayaran niya ako, oo. Hindi ko naman nalilimutan iyon. Lahat nang nangyayari ngayon ay dahil lang iyon sa pagbayad niya sa akin.

"E, tang ina mo pala, Hunk, e!" sa inis ko ay nasigaw ko iyon.

Gulat na napatingin sila sa akin, pero wala na akong pakealam. Kung kinakailangan kong suntukin ang mukha ni Hunk ngayon sa harap nila ay gagawin ko, mawala lang ang sakit na kumikirot ngayon sa dibdib ko.

"Eager..." tawag ng dalawa sa akin.

Pero bago ko pa magawa ang mga bagay na iyon ay umalis na ako roon. Bumalik ako sa hotel at pumunta sa kwarto naming dalawa.

Gusto kong umiyak, pero hindi ko naman magawa. Gusto kong sumigaw at magwala. Gusto kong harapin si Hunk para murahin at awayin ngunit hindi ko rin naman magawa. Sa halip ay kinuha ko ang isang matulis na bagay sa gilid at iyon ang ginasgas ko sa pulsuan ko.

Simula bata palang ako ay ganito na ang ginagawa ko sa sarili ko. Isang beses na akong nasabihan na attention seeker lang daw ang gumagawa ng ganito, pero para sa akin, ito ang tumutulong sa akin.

Tumulo ang malapot na dugo sa kamay ko ngunit kahit ganoon ay wala pa rin akong naramdaman na kahit anong sakit. Mas nananaig pa rin ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

"Eager!" malakas na bumagsak ang pinto.

Hindi ko siya pinakinggan. Patuloy pa rin ako sa paggasgas sa braso ko hanggang sa maramdaman ko ang sakit na gusto kong maramdaman. Pero wala. Namamanhid ako. Manhid na ako.

"I'm sorry..." bulong niya at mahigpit niya akong niyakap.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Nasa likod ko siya habang marahan niyang pinapatakan ng halik ang buhok ko. Tumigil na ako pero wala pa rin akong maramdaman. Para akong patay na, habang nakatitig kay Hunk mula sa salamin na nasa harapan ko.

"I'm sorry. I'm sorry, okay? Hindi na mauulit. Patawarin mo ako..." nakapikit siya habang pinapatakan pa rin ng mababaw na halik ang buhok ko.

My Husband is a Gay (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon