Chapter 1 : Summer 🏊🏻‍♀️

62 4 13
                                    


"Ano ba?! Wag mo sabi akong wisikan ng tubig!! Mamaya pa ako maliligo!" Maarteng angal ni Pats.

"Maligo ka na! Habang di pa mainit." Sabi ni Ashii habang patuloy na winiwisikan ng tubig si Pats.

Kakarating lang namin dito sa isla, at hayun. Nagtatampisaw na ang mga shunga. Hindi ko alam kung gaga ba o tanga 'tong mga kaibagan ko, pano ba kasi, tirik na tirik yung araw tapos todo tampisaw sila dun. Oh diba?

At abah! Ang mga langhiya naka swimsuit! Except lang kay Pats at Eris. Naka purple at black na two piece swimsuit si Ashii, si Krisha naman blue green na may leafy design, si Yhonna naman floral yung brassiere at yung side ng undies niya may floral design din, si Shira naman naka white at blue na swimsuit, at si Azee ay brown na may stripe na orange. At ako? Ako?! Hah! Naka pink at yellow na two piece! Di ako papatalo noh! May plunging neck see-trough cover up naman kami kaya di malaswa.

"Nhicyyyyy!!! Ligo ka naaaa!!" Sigaw ni Yhonna.

"Ayoko! Matutusta balat ko!!" Ani ko.

"Walang matutusta sainyo ni Krisha!! Wag kang maarte! Anuba?!" Sigaw ni Pats.

"Ikaw mga 'tong kanina pa ayaw maligo. Ang arte arte." Pambabara ni Azee sakanya.

"Whatever." Nag roll eyes si Pats kay Ashii. "Nhicy lika na! Arte nito!" Pangungulit niya.

"Mind your own business!!" Sigaw ko pabalik at laking pasasalamat ko kasi hindi na nila ako kinulit at tinantanan nila ako. Umahon naman si Eris at kumuha ng buko juice na nakalagay sa buko.

"Ano ba yan Nhicy! Tapos na biyernes santo bat yung mukha mo di pa rin maka get over! Uso move on dhai. Nuba." Sabi ni Eris. Tiningnan ko naman siya. Bigla siyang naubo at parang may na realize. "Nye! Oo nga pala! Di mo pala alam yung word na 'move on', di ka pa nga pala nakaka move on kay Tulips! M-O-V-E O-N! MOVE ON! Teh 2018 na! Mag iisang taon na rin simula nung mag break kayo!" Sabi ni Eris.

"Mahal ko e..." mahina kong sambit.

"Ayan! Sakit sa ulo talaga yang mahal mahal na yan!" Di ko namalayang naka ahon na silang lahat. Ang iingay nila jusko.

"Ako na naman nakita niyo. Ayan si Yhonna yung may love life. Siya gisahin niyo wag ako." Sabi ko. Banas na banas na kasi ako sa pangungulit nila.

"One true love naman kasi yung sakanila ni Jiro. 'E yung sayo? Pang MMK! A tragic love story. Ganern." Sabi ni Azee.

"Pero kahit umabot pa sa pinaka dulo yung love story nila Yhonna at Jiro, kahit umabot pa sila sa sinasabi nilang forever. Isang oras lang yan si MMK." Wala sa sariling sambit ko.

"Hanudaw?" Tanong ni Shira.


"Ahh. Bitter." Komento naman ni Eris.

"Tagos ribcage." Ani Ashii.

"Boom bars." Sabi naman ni Azee.

"Di ako bitter. Kung akala mo'y nasasaktan sa sinabi mong forever. Tinapos sa text message. Pero di ako bitter...." Kumanta si Krisha.

"Mamatay ka na please?" Ani Yhonna.

"Gago." Sabat ko kay Yhonna.

"Pero kahit isang oras lang yung love story namin sa MMK, at least ako MINAHAL NG WAGAS." Pambawi ni Yhonna.

"Bars baby." Ani ni Shira.

"Hoy! Linya ko yan!" Angal ni Azee. Binewala lang ito ni Shi.


The Pro and The AntiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon