Chapter 3 : The Comeback ➿

51 5 34
                                    


Azee's POV

"Anuna? Okay na ba?" Tanong ko kela Ashii sa tawag.

[Oo, tapos na kami ni Shira. Pabalik na kami sa Hotel. Di ko alam kung tapos na yung iba.]

"May tumawag na ba?" Tanong ko.

[Gaga! Kakapaskil palang tih! Wag excited much.] sabi ng loka.

"Bwisit 'to. Sige na. Babush." Pinatay ko na yung tawag.

"AZEE HIZANTE?!? IS THAT YOU?! O M G FRIEEEND!!" Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko.

Kyaaahhh!!! Si Kimmy at Katty Tranceeeee. Mga friendlalu kong chaka.

"Frenniee!! Kamang here este come here!!" Lumapit naman sila sakin at bumeso. Si Kimmy ay isang sikat na model at si Katty naman ay isang sikat na writer sa wattpad.

"Kamusta buhay friend?" Tanong ko sakanila. Si Nhicy? Ayun nagpa manicure at pedicure pa. Ang daming arte.

"Ito. Pretty parin ha ha ha." Sagot ni Kimmy. Ang eng-eng ginaya pa ang tawa ni Kris Aquino.

"Ikaw? Nagpakasal na ba kayo ng mga libro mo? Balita ko engage na kayo ah." Sabi ko kay Katty.

"Lul." Ani Katty. Pumunta siya dun sa may counter.

"Pano ba yan. Mukhang nagmamadali yung kakambal ko. Hanggang sa muli Azee." Ani Kimmy at sinundan ang kakambal niya. Kahit kambal yan, magkaiba ugali. Si Kimmy ay extrovert si Katty parang introvert.

Pinuntahan ko naman si Nhicy. Tapos na pala siya. Lumabas kami sa building at pumunta kami sa Resto nila Eris. Nandun na yung mga ugok. Baka tapos na nila yung Mission Impossible: Oplan Pakawalan pt. 1. Umupo ako sa tabi ni Krisha. Siya naman ay sa tabi ni Yhonna. Naabutan naming nagbabatuhan si Ashii at Pats ng tissue. Binilog nila tsaka binabato. Binato ni Pats si Ashii pero nakailag siya.

"Wag kang umilag!" Banas na sabi ni Pats.

"Bakit hindi ako iiwas kung alam kong tatamaan ako?" Tanong ni Ashii.

"Bakit ka umiinom kung iiihi mo lang naman?" Sabat ko.

"Bakit ka naliligo kung madudumihan ka naman?" Tanong ni Krisha.

"Bakit ka nag aaral para grumaduate kung wala ka namang mahabang pang caption sa facebook?" Ani Yhonna.

"Bakit ka magdadamit kung lalabhan mo din naman?" Tanong din ni Shira.

"Bakit ka natutulog kung magigising ka rin naman?" Sabi ni Eris.

"Bakit ka kumakain kung itatae mo lang din naman?" Tanong ni Pats at dahil dun nabato siya ng tissue.

"Kadiri ka haha." Sabi ko at patuloy naming binabato ng kung ano ano si Pats. Natigil lang kami dahil sa sinabi ni Nhicy.

"Bakit ka nagmamahal kung alam mong masasaktan ka rin naman?" Aww. Napatigil kami at umiling. Mukhang mahihirapan kami dito ah.

The Pro and The AntiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon