Chapter 3: HINALA

1.3K 54 1
                                    

"Nasaan si Jackie ?" takang tanong niya ng mabagal

"Nawawala si Jackie ?" litong tanong din ni Lamar

"Eh saan siya pumunta? Kailan pa ba siya huling nasa boarding house ?" alalang tanong ko

"Thursday ng gabi wala na siya, sabi ko na lang non sa sarili ko baka tutok sila sa thesis nila" pagpapaliwanag ni Bina

"Thursday pa ?! Eh sabi ng kathesis niya Saturday at Sunday lang ang meeting nilang magkakagroup di ba ?" naguguluhang tanong ko

"Friday, Saturday, Sunday, Monday ..apat na araw na !" sabi ni Lamar habang nagbibilang sa daliri

"Ahh teka, alam ko na" nabunutang tinik sa dibdib na sabi ni Bina habang tatango tango

Nag abang lang kami ni Lamar kung ano ang sasabihin ni Bina.

"Baka umuwi yun sa kanila" panatag na sabi ni Bina

"Pansin ko kasi noong last na nasa boarding house siya, mukha siyang depressed. Dati din kasi kapag malungkot yun umuuwi siya sa kanila, halos isang linggo nga siyang wala non eh. Di din siya nagpaalam, hinahayaan ko na lang, tapos biglang darating na lang siya makalipas ang ilang araw" pagpapaliwanag pa ni Bina

"Bat di mo kaya itext ? O kaya yung tito mo, yung papa niya kung umuwi nga sa kanila ?" suhestyon ni Lamar

"Wala akong number niya o kahit ni tito" seryosong sabi ni Bina

"Kapamilya mo wala kang number ?" pagtataka ni Lamar

"Kasi ..sandali nga, nagugutom na ako. Lunch muna tayo, maya mo na ko daldalin Lamar" natatawang sabi ni Bina

LUNCH

"Boket nga wola kang nomber niya ?" pangungulit ni Lamar habang puno ang bibig

"Di kasi kami ganon kaclose ni Jackie, kasi nga di ba tahimik siya, nahihirapan akong makipagkwentuhan sa kanya. Minsan nga eh naaawkward na ako pag nandyan siya sa kwarto namin, kaya mas okay din sa akin mag isa. At tsaka isa pa, last sem ko lang nameet si Jackie sa buong buhay ko, si tito naman bata pa ako nang nameet ko siya. Di ko alam pero parang di din close yung family ko sa family niya" pagpapaliwanag ni Bina

"Huh ?! Di ba last sem ka lang din nagtransfer dito ? Edi kung di ka pa pala magtatransfer, di niyo pa makikilala ang isa't isa ??" gulat na tanong ko

"Oo. Iba yung boarding house ko dati, mga isang linggo lang ako doon. Tapos sabi ni papa, lipat daw ako sa pinsan ko para may kasama ako at maitour ako, kasi bago pa lang ako dito sa lugar na 'to. Eh ang ending, mag isa ko lang ding inexplore 'tong lugar na 'to. Binigay nga lang sa akin ni papa yung address ng boarding house tapos hanapin ko daw yung pinsan kong si Jackie kasi nakausap na daw nila siya, eh di ko naman siya kilala kahit sa mukha man lang" kwento ni Bina

"Tapos saktong doon din pala kayo nakatira HAHAHA. May naalala ako HAHAHA" tawang tawa si Bina sa naalala

"HAHAHAHA" tumawa na din ako kasi nagets ko kung ano yung naalala niya

FLASHBACK

"HAHAHAHAHA" tawang tawa ako sa itsura ni Lamar

"Di ko na talaga mapigilan pre, lalabas na yata" taeng tae na sabi ni Lamar

"Oy ikot na tayo, gabi na, dyan ka pa dadaan sa hotel ?" tanong ko sa kanya

"Wala ng takot takot, mas mabilis tayo makakauwi dito !" walang pakialam na sabi ni Lamar habang buong tapang na sinugod ang madilim na abandonadong hotel

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon