Chapter 13: SPEKULASYON

826 25 3
                                    


Napatigil naman kami nang biglang nag salita si Bina.

"Yung libro !"

Dali dali kong binuksan ang bag ko para kunin ang libro ..nang maalala kong ibinalik ko na nga pala sa library.

"Sht, binalik ko nga pala !" bulong ko pero sapat para marinig nila

"Oo nga pala" napasapo sa mukha si Bina

"Tara sa library !" yaya ni Lamar habang naglakad nang mabilis patungo sa school

"Sige ho, mauna na kami, salamat ho" pagpapaalam ko sa matanda

"Oh sige, salamat din" paalam ng matanda

"Nagsisimula nanaman sya, yung nakaputing maskara sa kwento !" seryosong sabi ni Bina habang naglalakad kami

"Sino ba yun ?!" medyo inis na tanong ko habang nakakunot ang noo. Sobrang taas na ng kuryosidad ko sa taong yun

"Hindi kaya yung nasa librong mamamatay tao sya rin yung pumapatay dito sa atin ?" pagtataka ni Lamar

"Ha ? Anong ibig mong sabihin ?" tanong ni Bina, maging ako'y di ko nagets yung sinabi niya

"Na galing talaga siya sa kwento tapos lumabas galing sa libro" seryosong sabi ni Lamar

"Paano ? Magic ?" takang tanong ni Bina

"Parang malabo naman yata yang sinasabi mo pare" sabi ko

"Eh parang lahat posible na ngayon, kita mo yung mga nakalagay sa librong yun nangyayari, normal pa ba yun ?" pagpapaliwanag ni Lamar

Napaisip ako sa sinabi ni Lamar. May point siya don. Paano nga kung may kung anong kapangyarihan yung librong yun.

"Paano kung alam pala nong mamamatay tao na yun na alam natin yung tungkol sa libro, na sinusubaybayan niya na tayo ngayon at pinagtitripan dahil sinusunod natin yung sabi ng libro?! Patay tayo !" tarantang sabi ni Bina

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Bina. Paano nga kung ganoon ? Paano kung nanghihypnotize na pala yong libro at ikapapahamak namin to sa huli ? Tumingin ako sa paligid kung may kahinahinalang taong sumusubaybay sa amin kahit naglalakad kami. Bigla akong napraning. Teka nga mali ang iniisip namin, hindi, hindi pa rin ako kumbinsidong may kapangyarihang sa likod ng lahat ng mga nangyayari. Sa ngayon, di ko pa alam kung bakit nga ba nangyayari ang nakalagay sa libro, pero naniniwala akong walang mahika ang nasa likod nito.

"Teka, kanino ba yung libro ?" pagtataka ni Lamar

"Sa school yun, kaya nga nasa library" seryosong sagot ko

"Ibig kong sabihin, sino sumulat, author !" paglilinaw ni Lamar

"Di ko lam, di ko napansin, bakit ?" sagot ko. Sino nga ba author non. May nakalagay ba dun ? Parang wala.

"Bat di natin tanungin yung sumulat ng librong yun, kung bakit ganoon yung kwento ?" suhestyon ni Lamar

"Jusko pano kung mangkukulam pala yun, o taong may alam sa black magic, tapos lahat pala talaga ng sinusulat niya mangyayari ?" gulantang na sabi ni Bina

"Paano kung blanko lang pala yung librong yun ?" biglang naisip ni Lamar

"Blanko ?" pagtataka ni Bina

"I mean wala pang ending yung kwento, on going pa lang kasi sinusulat pa yung susunod na mangyayari gamit nga yung black magic. Tapos sa tuwing binabasa natin doon lang nagkakaroon ng laman o ng sulat yung libro ?" pagpapahayag ng naisip ni Lamar

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon