Chapter Two

251 17 7
                                    

Author's Note:

Please play the song at the side :) Para mas ma-enjoy niyo ang pagbabasa :) Thank you for reading ulet guys :">

____________________________________

 Chapter Two

Kath's POV

It has already been 3 hours simula nung puntahan ko ang puntod ni Jan-Jan pero parang feeling ko, ayaw ko pang umalis...

I am just sitting here crying my eyes out.. nagbabakasakaling mabawasan kahit na konti ang bigat at pangungulila na nararamdaman ko... umaasa na makakarating kay Jan-Jan ang lahat nang mga sinisigaw ng puso ko .. at nangangarap na baka kapag nalaman ng Diyos kung gaano ako nasasaktan at nahihirapan dahil sa pagkawala ni Jan-Jan ay ..

ibalik Niya sa akin ang best friend ko ..

"Sinasabi ko na nga ba. Dito kita makikita." sabi ng isang boses sa likuran ko. Lumingon ako para makita kung sino yun.

"Oh. Ikaw pala yan Kahlil." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Umiiyak ka nanaman.." sabi niya. Loko talaga to. Hindi man lang pinansin ang tanong ko. Tumabi siya sa akin.

"Ha? Sinong nagsabing umiiyak ako? Ikaw, namimintang ka nanaman diyan ah."

"Naku. Nag-deny ka pa! Tignan mo nga yang ilong mo oh. Pati na yang mata mo. Mas mapula pa dito sa mga bulaklak na dala mo!" sabi niya at tinuro ang mga flowers na regalo ko kay Jan-Jan.

Gusto ko sanang tumawa sa pangungulit niya sa akin pero hindi ko kaya .. Ngumiti lang ako ng marahan. Sumerypsp na rin si Kahlil. Tinitigan lang niya ang puntod ni Jan-Jan.

"So .. Daniel pala ang totoo niyang pangalan." sabi niya. Tumango ako.

"Oo. Pang gwapo noh. Hindi bagay sa kanya." ngumiti nanaman ako kunwari. Tumingin lang sakin si Kahlil. Pagkatapos ng mahabang sandali ay binalik niya ang tingin niya sa puntod ni Jan-Jan.

"Hi pare. Nga pala. Ako si Kahlil. Kaklase at kapit-bahay ni Kath. Hindi na kita naabutan kasi lumipat kami sa subdivision dalawang taon pagkatapos niyong umalis. Pero alam mo, kahit na hindi kita nakilala, parang pakiramdam ko, alam ko na ang lahat ng dapat kong malaman eh. Paano ba naman kase. Etong best pren mo. Ikaw palagi ang bukam-bibig..

parang feeling ko nga .. wala na siyang nakikitang uba sa paligid niya." pagkasabi niya ng huling sentence ay tumingin siya sa akin.

"Ano nanaman ba ang finagawa mo diyan ha? Bakit mo sinasabi lahat yan kay Jan-Jan?" tanong ko. Ang weird din talaga netong si Kahlil.

"Hindi ba obvious? Nakikipagkaibigan ako sa kanya. Para naman may mapaglabasan ako ng sama ng loob noh. Sigurado ako maiintindihan niya ako!" sagot naman niya. Aba! Loko to ah. Naghanap pa talaga ng kakampi.

Oo. Inaamin ko. Madalas ko ngang jombagin tong si Kahlil. Panu ba naman kasi. Simula nung lumipat sila dito sa amin, wala na siyang ibang ginawa kundi asarin at pagtripan ako.

"Siguro nga! Magkakaintindihan nga kayong dalawa!" pagsang0ayon ko sa kanya.

"Talaga! Parang feeling ko nga mas magiging close kami kesa sa inyo kung buhay pa siya ngayon eehh----" natigilan siya. Napansin ata na nawala yung ngiti sa mga labi ko.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon