Dedicated to CarmiYoshino :) Thank you sa pagbabasa :) Continue reading po :)) salamat talaga <3
This Chapter is for you :)
_________________________________________________
Prologue
Kath's POV
Kanina pa ako paikot-ikot sa buong subdivision namin. Hinahanap ko kasi sa Jan-Jan. Ang usapan kasi namin kahapon maglalaro ulit kami doon sa tree house na niregalo sa kanya ng daddy niya.
Mag-gagabi na, hindi ko pa rin nahahanap si Jan-Jan. Magkalaro na kami simula pa noong 6 years old ako. Noon kasi sila lumipat dito sa subdivision namin. Kahit ngayong 9 years old na kami pareho, magbest friend pa din kami.
Pinuntahan ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero hindi ko pa rin siiya makita. Isa na lang ang naiisip kong pwede niyang pagtambayan. Pumunta ako sa playground ng subdivision namin. Tama nga ako. Nandoon siya. Nakasakay sa swing. Loko to! Nakuha pang maglaro ng wala ako!
Tinignan ko ang mukha niya. Ewan ko ba pero parang malungkot siya. Meron atang problema. Hindi ko lang yon pinansin at nilapitan na siya.
"Uy Jan-Jan. Nandiyan ka lang pala eh! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo." napatingin siya sa akin saglit pero iniwas niya rin ito agad. Hinila ko ang braso niya patayo.
"Halika na, laro na tayo. Sabi mo magbabahay-bahayan tayo doon sa tree house ngayon diba?" laking gulat ko nung alisin niya ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Bakit Jan-Jan? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Kath.." bulong naman niya.
"Ano yun?"
"May sinabi kasi sa akin sina mama kanina.." patuloy niya. Tumingin siya sa akin at tumayo.
"Si Tita Karla? Ano ang sabi nila?" ewan ko ba pero parang kinakabahan ako sa kinikilos ni Jan-Jan. Hindi naman siya dating ganito. Sa totoo nga lang, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.
"Ano daw kasi.. a-aalis na kami." sabi niya. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata ng best friend ko. Napakagat siya sa labi niya at saka umiwas ng tingin sa akin.
"A-anong sabi mo? Aalis kayo? B-bakit daw? Saan kayo pupunta?" tuloy-tuloy kong tanong.
Hindi kaya ...
Sumakit ang dibdib ko sa naisip ko. Naramdaman ko ding lumabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha na ano mang minuto ay babagsak na.
"Lilipat na daw kami sa ibang bansa. N-nagkaproblema daw ata kasi yung kumpanya namin sa Amerika at kailangan na nandun sina mama at papa.." malungkot nitong sabi.
"Pero diba *sniff* sandali lang kayo doon?" tuloy-tuloy ng bumabagsak ang mga luha ko. "Baba- *sniff* babalik din naman kayo agad diba?.." tanong ko .. hoping for the best.
Umaasa na hindi tama ang kutob ko...
pero...
"Kath.." bulong niya sa pangalan ko..
".. H-hindi na daw kami babalik .." sabi niya ng nakatungo.
Ano?
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
Teen FictionHinintay ko siya.. hindi siya bumalik. Ngayon meron namang isnag tao na kaparehas na kaparehas niya.. Panahon na ba para kalimutan ko ang mga alaala ng aking nakaraan at magsimulang mahalin ang kasalukuyan? - Kathryn Chandria Bernardo