Chapter Three

230 16 4
                                    

AUTHOR"S NOTE:

Paki play na lang po ang mga songs na nakalagay sa bawat chapters para po mas magiing maganda po ang pagbabasa natin :)) Thanks for supporting guys :)

Dedicated po tong chapter na to kay GeralynGuinto :) please vote and comment po kung ano ang nararamdaman niyo para sa story na to :)) Evry letter and words would be appreciated :">

___________________________________________________________________________

Chapter Three

Kahlil's POV

Kanina ko pa hinahanap si Kath. Pumunta na din ako sa bahay nila. Gusto ko sana kasi siyang ayain na lumabas ngayon. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na matamlay at malungkot siya. Kahit na itanggi niya pa nang ilang libong beses alam ko. Ramdam ko. May dinaramdam siya. Tinanung ko si Tita Min, mommy ni Kath kung nasan siya pero isa lang ang sinagot nila..

"..Pinuntahan siya.." they said with a faint smile. With that I bade goodbye.

Naalala ko. April 26 nga pala ngayon. Alam ko na kung nasaan siya. Dali-dali akong nagpunta sa Claminton Hill Memorial Park. Napangiti ako. Nandun nga siya.

Mula sa malayo ay sinubukan kong basahin kung sino ang dinalaw ni Kath.

PADILLA. 

Napayuko ako. I raised the corner of my lips. Sinasabi ko na nga ba. 

Si Jan-Jan nanaman..

Nakita ko siyang nagpunas ng mga mata niya. Hayyysss. Umiiyak ulet.

Pinilit kong ngumiti at saka naglakad papunta sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba. Dito kita makikita." sabi ko. Nakita kong tumaas ang balikat niya. Nagulat ata. Lumingon siya sa akin.

Wow... Sobrang ganda niya talaga.. Her long, black hair flew swiftly with the wind and her eyes... those mezmerizing eyes...

Mamasa-masa pa ang mga ito dahil sa obvious na matagal nitong pag-iyak pero hindi ito nakabawas sa natural na ganda ng mga mata niya...

 All through out our conversation, pinlit ko na pawiin ng pangungulit at pang-aasar ko ang nararamdamang lungkot ni Kath dahil sa pagkawala ni Jan-Jan. Yun lang naman kase ang magagawa ko bilang kaibigang daw niya.

Ha? Bakit may daw?

Because I am fully aware na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya..

I am in love with her...

Matagal na matagal na..

Kaso wala eh. Hanggang ngayon, nakatago pa rin siya sa anino nang nakaraan niya. Until now.. si Jan-Jan pa rin ang nasa puso niya.

Alam ko yun. Ramdam ko. Kahit na ilang beses pa niyang itanggi, alam ko na mahal pa rin niya ang kababata niya.. And it's slowly killing me..

Ang weird noh. Yung lalaking karibal ko sa babaeng mahal ko, matagal ng wala. NI hindi na niya makakasama at imposible na siyang balikan pa. But you know what the worst part is?

Nananalo pa rin siya..

Ako na parating nasa tabi niya?..

INVISIBLE pa rin sa paningin niya..

"Talaga! Parang feeling ko nga mas magiging close kami kesa sa inyo kung buhay pa siya ngayon eehh----" napatigil ako. Anak naman ng pandesal Kahlil?! Ano nanaman ang sinasabi mo? Mas lalo mo lang pinapalungkot si Kath eh!

Tumingin ako sa kanya. Tama nga ako. Nawala na ang mga ngiti niya na pinaghirapan kong palabasin..

"..Kaso, w-wala na siya eh.." malungkot niyang sabi. Tumingin lang ako sa kanya. Ganon mo ba talaga siya kamahal Kath? Limang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon...----- Haayy tama na nga. mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

"Oh ano. Tara na? Alis na tayo." aya niya. Hindi ako tumayo. Nauna na siyang naglakad. Hindi. Hindi ako kuntento. Meron akong gustong malaman..

"Kath.." tawag ko sa kanya. Natagalan siya bago lumingon. Tumayo na ako at nagpagpag ng damit..

"Oh? Ano nanaman yon?" tanong niya. Again with that fake smile of hers..

"Ang pagkamatay ni Daniel.. Tanggap mo na ba?" There. I said it. Or should I say asked it. Alam ko naman na walang magbabago kahit na tanungin ko man ito sa kanya. Ang gusto ko lang naman, maging honest siya sa sarili niya.. Para naman gumaan ng kahit na konti ang pakiramdam niya.. I waited for her answer..

1..2..3..

"O-oo naman.." and with that, tumalikod na siya at naglakad palayo.. HInintay ko na lumingong siyang muli at sabihin sa akin na hindi pa siya okay.. na nasasaktan siya.. kaso wala.

"SINUNGALING." sabi ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ano ba Kath? Sabihin mo sakin. Ano ba ang nakita mo sa kanya at minamahal mo siya ng ganito? Hanggang kelan mo ba ako babalewalain? Sabihin mo lang Kath.. kahit ano gagawin ko.. mahalin mo lang din ako..

Tumingin ako sa puntod ni Daniel.

"Sorry pare pero, binabawi ko na yung sinabi ko kanina.. Mukhang imposible tayong maging magkaibigan.." tumingin ako sa direksyon ng babaeng mahal ko. "Hanggang si Kath ang involved, hindi ako susuko.. I would never give her up.. Kahit alam kong ikaw pa ang karibal ko.."

Nagsimula na akong maglakad papunta kay Kath..

Hoping na lilingunin niya din ako.

Ako.

At hindi ang puntod na nasa likuran ko..

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon