Honey's POV...
I saw a guy who was so drunk at the bar while he was crying. Madali kong iniserve sa customers yung order nilang beer 🍺 before ko nilapitan yung lalaking tinutukoy ko kanina.
" sir, ahm okay lang po ba kayo? "
Tumingin siya sakin.
Kawawa naman siya, bakas sa mga nito ang matinding kalungkutan.Ano kaya pinagdadaanan nito?
Na curious ako ey. 🤔" Miss, Ano pangalan mo? Waitress ka dito? "
" ahm opo sir. Honey po pangalan ko. "
Tumutulo parin yung mga luha niya habang nakatitig sa akin.
" I'm Rafael. Pwede ba kita I. Take out sa labas? "
" Hindi po ako pukpok-------- "
" that's not what I mean. Gusto lang kita makausap sa labas, ako na magpapa alam sa boss mo. "
" pero sir------- "
" honey, pls. I need you right now. Kailangan ko ng kausap. "
Ano? Papayag ba ako?? Kausap daw?
Sige na nga, mukha naman siyang mabait tsaka naaawa din kasi ako sa kanya." okay po sir. "
Nagpaalam nga siya sa boss ko at binayaran para lang pumayag.
Ngayon, kasama ko na siya sa loob ng kotse niya." honey, masama ba akong lalake? "
" sir, bakit ako po yung tinatanong mo? Eh Ngayon lang po kita nakilala. "
" minahal ko naman siya ey... Naging seryoso ako sa kanya. But she betrayed me! "
Hawak hawak nito ang litrato ng isang babae habang patuloy pa din ito sa pagluha.
Niloko pala siya, kawawa naman.
Ang sarap sabunutan o di kaya sampalin ng babaeng yun!! 😣" okay lang yan sir, ganyan talaga yan eh. Kung sino yung nagseseryoso, yun pa ang niloloko. Kung sino naman yung nagloloko, yun pa ang sineseryoso. Sadyang baliktad lang po talaga ang utak ng tao. Hayaan nyo na sir, may babae din na darating na magmamahal sayo ng totoo. "
" siguro nga. Ahmm hon, pwede mo ba ako samahan sa may park? Sandali lang tayo, promise. "
Tumango lang ako sa kanya. Naging magaan ang loob ko Kay Rafael kahit kakakilala ko pa lang sakanya. Hmm, Ewan ko ba.
Nandito na kami sa park at pumuwesto kaming dalawa sa may mini fountain.
Bigla siyang napatitig sa akin at may kinuhang singsing sa bulsa niya.
" hon, diba Sabi mo sa akin, may darating din na babaeng magmamahal sa akin ng totoo? "
" O-oo.. "
" siguro, ikaw na yata yun. "
Patay! Lagot na?! Lasing ka ey, Baka pagsisisihan mo pagkatapos.
" Hahaha!!! Bakit po ako?? Kakilala niyo lang po sa akin, tapos ako na agad?, sir naman hindi po ako bagay sa inyo, mayaman ka, tapos ako isang hamak lang na waitress. "
" I don't mind it. "
Mabilis niyang kinuha ang kamay ko saka lumuhod.
" Honey, will you marry me? "
Halaaaahh!! Ano gagawin ko?!
H-E-L-P!23 pa ako, ayoko pang mag asawa, lalo na sa taong hindi ko mahal at hindi ko pa kilala ng lubusan. 😟
" seryoso po kayo sir? Naka inom ka ey, tapos brokenhearted, baka dala lang po yan sa bugso ng damdamin. Baka bukas pagsisisihan niyo po ito. "
" Hon, just say yes. Hindi naman ako masyadong lasing, alam ko kung Ano ang ginagawa ko Ngayon. Trust me, please... I need a Wife! "
He needs a Wife??
Narinig ko nga... Hmmmm.
" pero bakit? Ilang taon kana po ba? 40?! "
Napangiti ito saglit saka bumalik na naman sa pagka seryoso ang mukha.
" 25 pa ako. "
" yun naman pala ey, hindi ka pa lagpas sa kalendaryo. Tapos kung Maka need a Wife ka dyan.... "
" ako kasi yung eldest. Sa tradition ng angkan namin Dapat yung eldest pag sumapit na sa edad na 25 ay Dapat o obligado ng magpakasal. Dahil kung hindi, hindi ipapamana sa akin ni lolo ang Dapat na sa akin. I need the hotel so badly. "
Napayuko siya habang hindi parin binibitiwan ang kamay ko at nananatiling naka luhod.
" I supposed to have a proposal with Mia, kaso nalaman kong niloko niya pala ako. "
Nag angat siya ulit ng tingin.
" kaya Ngayon, ikaw ang gusto kong papalit Kay Mia. I want you to be my Wife, honey. "
{ flashback :
" kaya ikaw honey, kailangan mo mag asawa ng mayaman para hindi kana dyan nagtitiis sa hirap. Para na din maipagamot mo na yang cancer ng tatay miyong mo sa madaling panahon. "
Wika ni tiya Emily.
~ End of flashback }
Bigla kong naalala yung sinabi ni tiya sa akin. Kailangan ko ba maging praktikal?
Oo, tama!! Kaya tatanggapin ko na ang alok niya.
" Okay, papayag na ako pero sa isang kondisyon. "
" Ano yun? "
" tutulungan mo akong maipagamot ang tatay ko. "
" Oo, walang problema.. "
Isinuot na nga niya ang singsing sa daliri ko saka ako biglang niyakap.
" thank you Hon. "
He took a selfie picture with me habang nakataas yung kamay ko na may engagement ring 💍.
Ipapakita niya daw yung picture namin sa lolo niya at bukas ng gabi, ipapakilala na niya ako dito.
Nag presenta na siyang ihatid ako sa bahay para daw bukas hindi siya mahirapang sunduin ako.Ako nga pala si Honey Jane Montañez, na Naging fiancee ng isang mayamang lalake na si Rafael Ledezma.
In just one night, Naging instant Fiancee niya ako! Hanep noh??! Hahaha.
Maituturing ko nga ba itong swerte?
BINABASA MO ANG
My Brother's Fiancee
RomanceHoney Jane is an ordinary waitress who will become an instant Fiancee of Hotel Mercedez future CEO . Dito na ba magsisimula ang pagbabago ng takbo ng buhay niya?