Chapter 2

8.7K 127 0
                                    

Honey's POV...

" ate! Gising na! Ate! "

Sigaw ni Michelle mula sa kusina.

Ang ingay naman, inaantok pa ako!
Wala akong magawa kundi ang bumangon nalang sa higaan at tumungo sa kusina para kumain ng almusal.

" ate, hindi ka ba pupunta Kay tatay Ngayon sa hospital? "

Sabi niya habang pa nguya-nguya pa.

" mamaya, pagkatapos kong maglaba. "

" aahh.. Okay?? "

Napansin kong nakatitig siya sa daliri ko kaya napatingin na din ako.

Singsing??! Ohhh no!!

Nasapo ko nalang ang Aking noo saka Napa inom ng tubig.

May Fiancee na pala ako! I remembered last night.

" ate, ang ganda naman ng singsing mo. Saan galing yan? "

Sasabihin ko ba Kay Michelle ang tungkol sa engagement ring na ito?

No, yes, no, yes, Aughh!!!!

" ate?? Okay ka lang ba?? "

" Michelle, engage na ako. "

Sambit ko habang nakatanaw sa kawalan.

Bigla naman siyang napatayo at Dali daling lumapit sa akin.

" really??! Paano nangyare yun ate?
Eh wala ka ngang boyfriend, sino naman yang lalaking nawalan ng tino sa utak na nakipag engage sayo? "

" basta, mahabang kwento, wala akong Plano na ikwento sayo lahat lahat. "

" fineeee... Eh sino ba kasi yang Fiancee mo? "

" Si Rafael Ledezma "

" wow ha! Pangalan pa lang pang mayaman na. "

" ey mayaman nga! "

" talaga?! Oh my goodness ate, nakinig ka nga sa payo ni tiya Emily sayo. "

" ginawa ko ito Michelle para Kay itay. "

" Oo nga ate, dahil malaki yung pera na kakailanganin natin para sa chemotherapy ni tatay. "

" kaya nga.. Dalian mo dyan kumain, sabihin mo Kay itay na mamaya na ako pupunta. "

" oh sige. "

•••••••••••••••••••••••••

Pagkatapos kong maglaba ay pumunta na ako sa hospital para dalawin si itay.

***

" engage kana, honey Jane ?! "

Bungad sa akin ni itay. Napatingin ako kaagad sa kapatid ko na agad namang nag peace sign at nagpa cute.

Hay nko! Inunahan pa talaga ako! 😒

" tay... Opo... "

Nakayukong Sabi ko.

" anak, halika nga dito. "

Lumapit naman ako Kay itay at umupo sa gilid ng hospital bed.

" Sabi ng kapatid mo, mayamang lalake daw? "

" opo. "

" mabait naman ba? "

" opo "

" ey ang eyeglasses mo nasaan? "

" naiwan ko po sa bahay, nakalimutan ko pong isuot. "

" pag ikaw nabunggo dyan sa labas, ay talagang todas ka. "

" tay naman! "

" hehe. Biro lang anak, di naman masyadong malabo yang Mata mo diba? "

" oo naman po. "

Nag kwentuhan lang kami ni itay at Michelle. Doon na rin ako nag lunch, nagdala naman kasi ng pagkain itong kapatid ko.

****

Pagkalabas ko ng entrance gate ng hospital ay may nakasalubong akong lalaking pasyente na nakahega sa emergency bed na tulak tulak ng mga nurse.

Nang matitigan ko ng mabuti yung lalaking duguan ang ulo ay bigla akong napatakip ng bibig.

" Rafael! "

Napasugod ako pabalik sa loob at di na ako naka abot dahil naipasok na si Rafael sa ER.

" Diyos ko po, anong nangyari sakanya.... "

Biglang may dumating na matandang lalaki na halatang mayaman dahil may mga bodyguards na kasunod.

Nang mapansin niya ako ay saglit siyang napatitig sa akin.

" you look familiar to me. "

Sabi niya sakin saka kinuha ang isang cellphone sa bulsa nito at may kung anong tiningnan.

Bigla niyang itinapat sa mukha ko ang cellphone saka ko nakita ang isang litrato ng dalawang tao

Yung picture namin ni Rafael sa may mini fountain kagabi! Ibig sabihin, lolo niya itong kaharap ko Ngayon?!
Malamang!

" ikaw ang Fiancee ni Rafael! "
Sabi nito saka biglang yumakap sa akin. Nang kumawala na si lolo sa pagkakayakap ay sakto namang lumabas ng ER ang isang doktor.
Malungkot itong napatingin sa amin..

" kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? "

" opo. Apo ko po siya "

Sagot ni Lolo. Bakas sa Tono ng boses niya ang sobrang pag aalala.

" I'm sorry to tell you, sir. Wala na po
Ang Apo niyo. He is dead on arrival. "

Sabi ng doktor.

Bigla namang may dumating na mga pulis.

Napa iyak si lolo sa narinig niya. Agad ko namang hinagod ang kanyang likod .
Masyado na siyang matanda para humarap sa ganitong masakit na pangyayari. Naaawa ako sa matanda.
Ramdam ko kung gaano niya kamahal si Rafael.

" Lolo, tahan na po. Baka mapanu pa kayo. "

" I'm in a deep sorrow, hija. Wala na ang eldest sa Aking mga Apo. Mahal na mahal ko si Rafael. "

" Lolo, mahal na mahal niya din kayo. Wala pong may gusto sa nangyari, lahat po tayo ay nabigla sa biglaang pagkawala ni Rafael. "

" excuse me, sir. "

Napaharap si Lolo sa mga pulis.

" kayo po ba ang kamag-anak nung biktima? "

" Oo, lolo niya ako.. Anong nangyari sa Apo ko? "

" ayun po sa aming imbestigasyon, nasa byahe po ang apo niyo nang mawalan nang preno ang kanyang kotse at tuluyang nagpa ekis-ekis ang sasakyan hanggang sa mahulog sa bangin at base narin po sa imbestigasyon namin, may foul play po sa nangyari at yun ang patuloy naming iimbestigahan. "



May foul play?! Ibig sabihin may taong salarin sa likod ng malagim na pangyayari?!
Pero bakit niya gustong mapahamak si Rafael?!

My Brother's Fiancee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon