part 1

22 4 0
                                    

-----------------------------------------------

" oi! trish! may gagawin ka ba ngayon? lika kain tayo, my treat!"


nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Dane mula sa likod ko. papunta sana ako sa office ng org. namin dito sa school. pero bigla namang nag-aya kumain ang isang to.
ka org. ko pala itong si Dane.


" teka! ikaw na lang marami pa kong gagawin eh"


totoo naman yon, marami pa kasi akong hindi natapos na paperworks. ako kasi ang president kaya natural lang na marami akong gawain.



"mamaya na yan! kain na muna tayo!" pagpipilit nya at hinila na ako papunta sa pinakamalapit na fastfood chain dito sa school.



wala na rin naman akong nagawa dahil hinila na nya ko. kaya nagpatianod na lang ako. libre rin ito no! makakatipid pa ko.



pagkadating namin ako na ang naghanap ng vacant seat tapos sya yong umorder.



ang daming tao. hirap makahanap ng bakante.
"ay! ayun!" nilapitan ko yong vacant. pang-apatan yon. gusto ko sana sa pangdalawahan lang. kasi dalawa lang naman kaming kakain. kaso wala eh. don na lang ako umupo.



maya maya dumating na rin si Dane. ang dami nyang inorder. umupo sya sa katapat ko.



"dami naman nito!" kunwari reklamo ko. pero sa katunayan ay kulang pa sa kin yon. hihi! ako na matakaw!


"hindi yan! gusto ko mabusog ka mahal"




"ano yon?"
hindi ko kasi narinig ang huli nyang sinabi. kasi medyo humina ang boses nya. parang pabulong.



"wala yon. sige lamon na. cr lang ako"
paalam nya. pero bago sya umalis. ginulo gulo pa nya ang buhok ko. para naman akong bata non.



pero kinilig naman ako don sa gesture nya.  oo na, crush ko si Dane. landi ko! hihi!!! yaan na nga! kumain na lang ako.

CONFESSION OF THREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon