2,
Kinaumagahan, nalate ako ng gising. Kaya naghahadali ako ngayon na mag-ayos ng sarili ko.
After that, pumunta na ako sa school namin na isang tricycle lang para makapunta na do'n.
I'm on my way to our room nang may tumakip sa mga mata ko, I know who's this guy.
"Hulaan mo kung sino ako," hamon nito.
"Malay ko kung sino ka. And can you please remove your hands in my eyes? I'm late, kaya pwede ba." Angal ko. Ayaw kong sakayan 'yong trip niyang walang kwenta.
Inalis naman niya 'yung kamay niya pagkatapos kong umangal.
By the way he is Anthony Torealba, President namin.
"You're late," nakangiti na para bang nang iinis nitong sabi.
"Me? duh, stop saying that I'm late, because I'm not." Oo hindi ako late, ang bilis ko kayang kumilos and isa pa, hindi kaya traffic 'no.
And oo napagsasabihan ko sya ng ganun, nabubwisit na kasi ako do'n kay Anthony. Hmp!
"Sungit!" Dakdak niya.
"Hoy! Sungit!" Pangungulit pa niya.
"Ms. Sungit!" Tawag niya habang kinalabit din ako.
Hindi ko na mapigilan ang kaingayan niya at rinding-rindi na ako, "Bakit?" Pambungad na sagot ko, "Bakit ka ba nangungulit?" Iritang tanong ko.
"Wala lang," sagot niya.
"Arghhh, you! Your wasting my time, Thon!" I shouted.
Pagkatapos na pagkatapos ko siyang sigawan, naglakad na ako palayo, kasi naman kanina pa sunod nang sunod! Ano s'ya, buntot ko!
Umupo na agad ako sa kinauupuan ko pagkapunta na pagkapunta ko dito.
Lumapit pala si Josh.
"Hola Aloha!"
"Hmm?"
"Musta kahapon?"
"Hmm, iyun, kasama ko si Matthew." I said.
"Ah, enjoy?" He asked.
"Yes," I answered.
"Ah ganun ba, sige, babalik na 'ko sa upuan ko." Pagpapaalam niya.
Tumango nalang ako. Bigla na rin kasing dumating si Prof. T kaya ang lahat ay nagsibalikan sa kani- kanilang kinauupuan.
May test nga pala kami ngayon..
"Okay, get one and pass." Saad ni Prof. T.
"Walang mangongopya, kung hindi, may punishment kayo. Maliwanag ba?" Ito nanaman si Prof, ang mahiwagang paalala.
"Students, you need to pass your test paper after 30 minutes. Is it clear?" Dugtong pa ni Prof.
Nung kumuha na ako nang isang test paper, sinagutan ko na 'yon kaagad.
For me, sakto lang 'yung test, 'di mahirap at 'di rin madali. Kaya nasagutan ko naman iyon ng mabilis.
After a couple of minutes, our Prof collected all the test papers.
"Class dismiss!"
Inaayos ko ang gamit ko nang biglang lumapit 'tong si Josh.
"Halika ka, libre kita!" Nakangiti nitong sabi.
Tumango nalang ako dahil inaayos ko pa iyong mga gamit ko.
Pagkatapos, sumama na 'ko sakaniya.
"Saan tayo pupunta?" Sambit ko nang mapansin kong palabas na kami nang University.
"Sa Mcdo," Nakangiti nanaman na reply niya.
"Ah 'kala ko naman sa canteen lang." tumango nalang ako.
Nang makapunta na kami sa mcdo, binuksan ni Josh 'yong pinto.
"Ano'ng gusto mo? Don't worry, libre ko naman 'di ba?"
"Uhm, coke float, french fries, and burger." I smiled.
"Sige sige. Kaya mo naman ba iyon ubusin?"
"Oo naman. Nagpapataba nga 'ko 'di ba? Hahaha," tumawa nalang ako.
"Okay, share nalang tayo sa fries ha? 'Yong bff fries."
"Ah sige."
Pumila na siya sa cashier.
Mahaba naman time namin.
Bumalik na din sya kaagad sa upuan at may dala dalang bff fries, 2 floats and 2 burgers.
Kinuha ko na agad 'yong akin, at syempre inayos ko na 'yong ketchup ko na sasawasawan ng fries ko at pati na rin 'yung float ko na sasawsawan ko din.
Habang sinasawsaw ko sa float ang fries, nagsalita si Josh, "Shet. Para kang bata, Al."
Inirapan ko siya kaya naman natawa nalang siya.
"Ang taraaaay, a! Bayaran mo 'yan!" Sabi nito.
Inirapan ko ulit sya pero natatawa ako sa kaloob looban ko.
"K!" Cold na sagot ko para kunwari naiinis ako..
'Di ko siya pinapansin.
Nagulat nalang ako bigla nang pinunasan niya 'yong labi ko na may dumi na pala dahil sa ketchup.
Nagkatitigan din kami nang mga 3 seconds at siya agad ang umiwas.
So?
"Uy joke lang 'yong kanina," kibot nito. "Ako magbabayad, ba't ba kasi ang dali mong mapikon? Eh, totoo namang para kang bata kung kumain. Truth hurts nga 'di ba. Hahaha."
"'Di ako pikon, 'di ako galit, at oo na ako na maduming kumain ikaw na hindi. Okay? Ako na, ikaw na hindi." Nginitian ko siya kasi 'di naman talaga ako pikunin.
"CR muna ko, Al." Pagpapaalam nito.
Bigla nalang nag ring iyong phone niya nang makaalis na siya, ang ingay super. Ayaw ko namang iend kasi baka importante or what.
I answered the call,
"Hello? Joshua?"
"Joshua?"
"Layuan mo 'yong girlfriend ko!"
"Kung hindi, sasabihin ko lahat nang nalalaman ko!"
Nabigla nalang ako kaya bigla kong na-end 'yong call.
His voice is so familiar.
May itinatago si Josh saakin.
YOU ARE READING
She Let Him Gone
RomanceAloha Hence, a talented woman living with her family. Her life is almost perfect, but when her mother died, she don't know what to do. She can't handle her problems with herself. A talented woman became the worst girl she never expected. She always...