1

69 7 0
                                    

1,

Nandito kami ngayon ni Joshua sa mall.

Naglilibot lang. May bibilihin pala s'yang shirt at syempre ako din may bibilihin.

“Josh,” tinawag ko s'ya at tsaka kinalabit. “Tingin muna ako sa bandang mga relo ha?” dugtong ko pa.

“Samahan na kita.” He smiled.

“Hindi na kailangan. Ano ka ba! Hindi ako sanggol,” pabiro kong sabi.

Humalakhak s'ya tsaka nagsalita... “Hintayin mo na ako, matatapos naman na ito. Siguro naman sanay ka maghintay 'di ba?”

Kaya natutuwa ako d'yan kay Josh e, nasobrahan ang kabaitan.

Habang hinihintay ko si Josh, nasagip nang mata ko si Matthew.

“Matthew!” Tinawag ko s'ya. As usual kasama n'ya ang grupo nila.

Lumingon s'ya.

Kinawayan ko s'ya. “Hello.” I mouthed.

Kumaway lang s'ya tsaka ngumiti at naglakad na paalis.

Pagkatalikod ko....

“Ay hala!” Gulat kong pasigaw kasi muntik na akong mapahiga doon sa floor nung nagkabungguan kami.
In short, muntik na akong mahulog pero nasalo naman ako ni Josh. Hays salamat sakanya hahaha.

“Hmm, ayos ka lang ba?” nag-aalala n'yang tanong. “Nasaktan ka ba?” sinundan pa niya ang kanyang unang tanong.

“Ah oo!” Sagot ko para sa una n'yang tanong. “Hindi ako nasaktan.” nginitian ko s'ya at nag thumbs-up.

Hindi naman ako nasaktan ah? Hays over protective kong bestfriend. Hahahahaha.

“Oh 'diba may bibilihin ka pa? Ano nga pala 'yun?”

“Do'n sa bandang may mga relo.” Naalala ko bigla kasi nasira nga pala 'yung relo ko.

“Nasira ba 'yung relo mo?”

“Oo nga. Kaya nga ako bibili 'diba?” Ulit-ulit!

“Ah okay. Doon...” itunuro n'ya sa bandang iyon 'yung mga relo. “Matitibay 'yang mga 'yan,” dugtong pa nito.

“Sige titingin muna ako ng magandang design at 'yung matibay na rin.” Naglakad na ako sa side ng mga magagandang relo.

Habang naglalakad ako, may narinig akong nagtatawanan sa likod ko. At pamilyar ang mga tawang ito.

“Aloha,” hindi familiar ang boses nito.

Tumalikod ako, “Why?” I asked.

“May sasabihin sa'yo si Matthew.” Syempre kinikilig ako kasi may sasabihin s'ya diba? Hahaha.

“Ano 'yun? Matthew?” hinarap ko si Matthew pero hindi ko pinapahalatang kinikilig ako.

“Halika at samahan mo ako!” sabi niya at saka ako hinugot.

Naisip ko si Josh. Maiintindihan naman n'ya siguro.

“Saan?”

“Nood tayo movie.” sabi n'ya habang tumingin din s'ya sa likod ko kung saan, nandoon ang mga kaibigan n'ya.

“Ah, e—”

“Shh. No more buts and reasons, you'll come with me.” Tinakpan n'ya ang mga labi ko.

Kami lang? Kami lang daw?

“Kung nagtataka ka kung tayong dalawa lang, oo tayong dalawa lang. Siguro naman ayos lang sa'yo.” Dugtong n'ya na para bang nabasa n'ya ang tanong sa isip ko.

She Let Him GoneWhere stories live. Discover now