Chapter 7: - Glimpse of the past -

28 2 1
                                    

Sophia's POV

Nandito na ako ngayon sa park, patingin'tingin kung saan baka sakaling makikita ko si Crash. Alam kong nandito na si Crash pero di ko lang alam kung nasaan siya, ang laki naman kasi ng park at nakakapagod kaya mgalakad para hanapin siya. HAHA! Oo, ako ng tamad.

Palibot libot lang ako dito sa park at ng may nakita akong isang lalaking nakaupo sa isang bench, na weird yung suot niya. Alam ko na kung sino siya, suot pa lang eh Crash na. HAHA

"So.. Sinusuot mo parin yang disguise huh?" Tanong ko at tumabi na ako sa kanya.

"Oo.. This thing really works!" Masaya niyang sabi.

"Kanina pa ako nakaupo dito pero ni isang tao walang ka alam alam kung sino ako.." Natatawa niyang sabi. Wait. Kanina pa siya nakaupo dito? So it means, kanina pa siya dito? Matagal ba ako? OMY. Minus points to! *iyak iyak*

"Nga pala, what took you so long?" Napaharap siya sakin at tinanggal niya yung shades niya at tiningnan ako sa mga mata.

"Uh.. Tinulungan ko lang si Cleo sa office.."

"Ahh~"

"So, nasan si Czarina?"

"Ayun, nagsho'shoot ng music video.."

"Di ka ba niya niyaya na manood?"

"Niyaya. Pero, ayokong pumunta dun."

"Bakit naman?"

"Ewan~" Nagkibit bikat lang siya nun at nginitian ako. Di na ako kikiligin, alam niyo kung bakit? Sanay na ako eh. HAHA

 "Wag mo na nga yang itanong.." tumayo siya at hinawakan ang pulso ko. Okay, kinikilig ako pero I have to keep it in, di ko dapat ipahalata. Sumunod nalang ako sa kanya na naglalakad patungo sa isang hotdog stand.

"Dalawa po.." sabi niya dun kay manong na nagluluto ng hotdog.

"Hotdogs?" Tanong ko. Ay hindi! Burger. Burger!

"Oo. Bakit? Ayaw mo?"

One Less Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon