* * *
Isang araw bago ang runway show (opo, runway show na agad bukas. K.) ay pinapunta ang lahat ng designers at ramp models sa DLS-CSB para magrehearse, pero hindi ako pupunta. Hindi naman rarampa sa catwalk ang mga designers 'no. Mga ramp model lang kaya nganga kami, so hindi na talaga ako pupunta. Gagawin ko na lang ang 'Oplan Bigay T-shirt kay Jeron Teng' wahahahahaha.
Bago umalis sa kinatatayuan ko, tiningnan ko muna ang paligid, baka may makakilala kasi sa akin. Mahirap na, baka mahuli ako.
"Good," bulong ko sa sarili ko ng makitang wala naman akong gaanong kakilala sa paligid. Well, nandito kasi ako sa labas ng Zark's Burger. You know... I'm waiting for him. Pero wala yata siya, kaninang umaga pa kasi ako nag-aabang dito eh. K. Pupuntahan ko na lang siya sa mga lugar na pinupuntahan niya. :D
Lumayas na ako sa kinatatayuan ko at pumunta na sa LRT station. On my way there, hindi inaasahang nakita ko ang bruha kontrabida. Tumalikod agad ako para hindi niya ako makita pero parang minamalas talaga ako ngayon.
"Hoy Jojo A, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Caitlyn. Hindi ko siya pinansin, nanatili akong nakatalikod. Nagsalita ulit siya. "Jojo, si Jeron ba yun?"
Awtomatiko akong napaharap nang marinig ko ang sinabi niya. "Nasaan? Nasaan si Jeron? Nasaan na?"
"Hahahahahaha. Joke lang yun Jojo A. Hahahahahaha~" mukhang engeng na sabi niya.
"Sige, tumawa ka lang ng tumawa. Huling halakhak mo na yan." nasabi ko na lang. =__=
Tumigil na siya sa pagtawa. "Hoy Jojo A, saan ka na naman ba pupunta?"
"Sa Planet Mercury. Gusto mo sumama?"
"Duh, no way. Siguro tatakas ka na naman 'no?"
"Heh! May pupuntahan ako 'no. Dyan ka na nga," iniwan ko na siya roon pero sinundan niya ako.
"Isusumbong kita kay ma'am," sabi niya.
"Edi magsumbong ka. Kairita ah." nagsisimula na naman akong mainis sa kanya ah. Haaay, hindi ko na lang siya papatulan. Ako na lang ang tatahimik. Pero hanggang sa pagsakay sa LRT ay nakasunod pa rin siya, daldal siya ng daldal, asar ng asar, ang ingay niya. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga pasahero eh. Nakakairita na talaga. Leche! >__<
Nang makarating na kami sa pupuntahan ko ay doon lang siya tumahimik. Napagod yata sa kakadaldal.
BINABASA MO ANG
Jeron Teng: T-SHIRT
Fanfiction♫ Treasure, that is what you are. Jeron Teng you're my golden star ♫ --- Joanna Joyce Arceo