SANDALI

154 1 0
                                    

Bakit kapag gustong-gusto mo, ang damot ng mundo?

Tipong isa na nga lang ang hiling, mundo pa ang kalaban.

Isang sulyap lang, pagkait ay labis.

At kung kailan naman hawak mo na... kailangan mo ng bitiwan.


Pinakamahirap pa naman sa lahat, ang bumitiw.

Sa lahat ng paghihirap na nakamit, darating ang araw... na dapat mo rin palang luwagan ang hawak.

Iiyakan, hihiling ng isa pang sandali na makasama pa.


Suwail na isip at puso.

Sinaktan na nga, humahanap pa ng rason upang kumapit.

"Sapat pa", sigaw ng puso.

"Bitiw na", tugon ng luha.


At kung susuriing mabuti...

Bakit, bakit nga ba nahihirapang bumitaw sa taong matagal ka ng tinalikuran?

Bakit paulit-ulit na iniiyakan, ang taong pinaasa ka lang naman?

Subalit wala man lang maramdaman sa nag-iisang nanatili hanggang dulo?

Sa nag-iisang nagpapahayag ng tunay na pag-ibig.


Problema sa atin?

Mali na nga ng pinag-alayan ng pag-ibig,

tumatalikod pa sa dapat na sinasamba.


Patuloy na NasasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon