Oo, ako ang nauna
Unang lumapit
Unang nagpakilala
Unang nagbahagi
Hindi mo pinansin
Ngunit matiyaga akong nanuyo
Ganoon daw kasi kapag gusto mo
Na magbubunga rin kapag minahal na
At ganoon ka kaespesyal sa akin
Ako ang lalapit
Ako ang susuyo
Para makilala mo ako
Para maramdaman mo ako
Lahat ibinigay ko
Lahat katotohanan ang galing sa akin
Walang itinago
Walang ipinagdamot
Walang iba
Walang. Iba
Ikaw lang
Ikaw
Hanggang sa sinuklian mo rin
Matagal kong hiniling
Matagal kong ninais
Kinilala't minahal
Sa wakas nasuklian na
Ngunit lahat ay panandalian lamang
Sa ating dalawa mas nangibabaw ang siya
Sa pagmamahalan natin nagkaroon ng siya
Siya ang pinili at ako'y kinalimutan
Subalit ayos lang
Oo, ayos lang
Nandito pa rin ako
Tatanaw kahit sa malayo
Maghihintay kahit walang kasiguraduhan
Dahil may baka sakali
Baka sakaling maalala mo 'yong atin
Maalala mo ako
Maalala mo ang pagmamahal ko
Kung paano kita minahal
Minamahal
At patuloy na mamahalin
Oo, pinagpalit mo ako
Ngunit heto't ipaglalaban ko ang atin
Dahil alam ko, paasahin ka lang niya
Sasaktan,
Hindi tulad ng kaya kong ibigay
Isang tawag ang nahintay ko mula sa'yo
Iyak lamang ang namutawi sa'yo
Yakap at pagtanggap ang siyang pambungad ko
Halika, dito ka muli sa piling ko
At habang ika'y inaalo
Bumalik siya,
Hindi pa nakakahingi ng tawad mula sa nagawa sa'yo
Ngunit nasa piling ka na niya agad
Ang bilis mong bumitaw sa hawak ko
Hindi pa natutuyo ang luha mo sa damit ko,
Pero masaya na kayong magkasama muli
Hayaan mo't nandito lang ako
Oo, maghihintay ako muli sa tawag mo
Maraming nagsasabi na huwag na akong maghintay
Palayain ka na't sa iba na masaya
Pero paano, paano kung alam kong mas sasaya ka sa akin
Na ako ang takbuhan mo tuwing malungkot ka
Ayokong isang araw na tatawag ka't wala ng sasagot
Ayoko
Ayokong isipin mong mag-isa ka
Na walang tatanggap sa'yo
Dahil habang nandito ako,
Hindi ka mag-iisa
Oo, masakit
Tinatawagan mo lang ako kapag may problema ka...kayo
Pero hindi ko rin nais iparamdam sa'yo
Kung anong ipinadadama mo sa akin
Sapat nang mahal kita
Kahit hindi mo ako mahal
Sapat nang masaya ka
Kahit pa sa piling niya
Sapat nang pinili kita
Kahit siya ang pinili mo
Dahil sapat ka
Sapat ka sa akin
Oo, nandito pa rin ako
Naghihintay sa tawag mo
Mahal, isang tawag mo lang,
Ako ang lalapit sa'yo
Ako ang papawi sa sakit na nadarama mo
Dahil mahal, Isang tawag mo lang sa pangalan ko,
Panginoon, ako ang tatakbo palapit sa'yo.
--------------------------------
His love is greater than any other love

BINABASA MO ANG
Patuloy na Nasasaktan
Fiksi Remajatula para sa iyo, oo ikaw... ...ikaw na nang-iwan