KAIBIGAN

6.3K 76 20
                                    

Naalala mo pa ba,

Nung unang beses tayong nagkita?

Mga sandaling,

Kay sarap balikan at alalahanin.

Ngiti at boses 

Na hindi mo ipinagdamot sa akin.

Mga panahong,

Ika'y karamay sa lahat.

Tila ba kailan lamang tayo nagkakilala.

Tila ba kahapon na 'di malilimutan.

Sariwa pa sa alaala.

Kay sarap ulit-ulitin.

Hindi na mabilang,

Kung kailan nagkatampuhan,

At muling nagbati.

Ilang dekada na nga ba ang lumipas?

Pangakong 'di mag-iiwanan.

Pangakong magkasama hanggang huli.

Salamat sa lahat ng ito.

Ngunit alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng Maykapal.

Paalam, Kaibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita!

----------------

Keepsafe folks!

Patuloy na NasasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon