Chapter 7:

260 21 9
                                    

Sandra's Pov

Kinaumagahan, late na ako para sa unang subject. Hindi naman kasi ako sanay na nag-aalarm. Gusto ko lang mameet yung sapat na tulog ko ng walang istorbo. Naka-uniform na ako. Kinuha ko ang sling bag ko na kasya lang ang phone, sticky notes and pen.

Nang makababa ako ay nadatnan ko pa si Allen na palabas na sa malaking pinto ng bahay.
Nakita naman niya ako at tinawag ang pangalan ko.

"Handa ka na ba pumasok?" - tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Opo Ate Sandy. Ihahatid po ako ni ate Tonia."

"Ako nang maghahatid sayo."

"Talaga po ateee?? Salamat ate Sandy. Ate tonia una na po kami ni ate sandy." - paalam niya bago sya humawak sa kamay ko.

Nabigla ako sa ginawa nya. Naalala ko nun panahon na kasing edad ko si Allen ay palagi kaming inihahatid ni mommy at daddy sa school bago sila pumunta sa work nila. Naagawan pa kami nun ni kuya na hawakan yung kamay ni mommy kaya nagdadrama si daddy na hindi raw namin siya love. I really missed those days...

Nasa loob na kami ng kotse at wala naman masyadong sasakyan ang dumadaan kaya binuksan ko yung convertible para makita niya ng maayos yung nasa labas.

"Wow"- itinaas niya yung kamay nya habang maghang-mangha na nakatingin sa langit.

Ilang sandali lang ay bigla siyang nanahimik.

"Namimiss mo parents mo?"

Tumango naman ito. Kailangan ko siyang matulungan kung nasaan ang magulang niya at kailangan ko rin iligtas ang mga kasama niya noon sa pagtatrabaho ng illegal sa kamay ng mga sindikato.

Isinarado ko na yung roof ng car ko at ganun din ang bintana. Natatanaw ko na ang malaking gate ng school. Nang makapagpark na ako ay sinamahan ko siya sa room nya. Medyo may kalayuan yung building ng elementary sa highschool at college. Maraming hagdan ang aakyatin bago makapunta sa building ng elementary, nang makarating kami ay marami ng mga bata ang pumapasok sa kanya kanya nilang silid-aralan. Walang second floor ang elementary upang makaiwas sa aksidente kung may pangalawang palapag pa.

"Tonia will meet you after your class." sabi ko sa kanya ng makarating kami sa tapat ng room nya.

"Salamat po ate Sandy. Ingat ka po sa pagpasok mo."

Nang makarating ako sa building ng college ay marami na naman nakatingin sakin at nagbubulungan.

Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room. Nasa kalagitnaan na ng paglelecture ang prof namin ng makita niya ako sa tapat ng pinto.

"I'm sorry I am late."

Tumango naman sya bago niya ipinagpatuloy ang tinuturo nya.

"Nakita kong hinatid mo si Allen ah."- Reese

"Mukhang napapalapit ka yata sa bata Sandy" - may pagkasarkastikong sabi ni... Heidy.

Hindi ko siya agad nakilala dahil sa nakasuot ito ng prosthetic make up. Parang hindi si Heidy ang nasa harap ko. Kung dati ang buhok niya ay mahaba, ngayon ay naka-boy cut naman na bumagay sa hugis ng mukha nya. Kulay itim pa rin ang kulay ng kanyang buhok. Ang astig nyang tingnan sa itsura nya dahil mukha siyang lead actress ng isang action movie. Ibang-iba ang itsura niya sa totoong mukha niya. Mas bet ko ang mukha niya ngayon haha.

"Tss. Makinig na lang nga kayo."

Lumipas ang ilang oras ay natapos na ang klase at ngayon naman ay P.E namin. Makulimlim ang panahon ngayon kaya hindi kami pwede sa outdoor dahil baka biglang bumuhos ang ulan. Napagdesisyunan ng prof namin sa P.E na swimming class today. Kaya sa pool area kami mamaya, meron kaming 1hr vacant. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa garden na tabi lang ng clinic. Hindi ko trip na sumabay kina reese at heidy na kumain sa cafeteria, baka makita ko lang si Olivia na umuusok ang ilong at namumula ang mukha kapag nakikita ako. Idagdag mo pa ang mga alipores niya. Mabuti naman at walang Jack na gumugulo sakin ngayon.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jan 07, 2019 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

THE BADDEST EMPRESS PRINCESS [Under-editing] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ