Chapter 1:

492 30 4
                                    

Authors Note: Under editing pa po ito guys. Chapter 1 and 2 tapos na po iedit :) .

Enjoy guys :)

Empress Princess

Chapter 1:

Sa mundong ginagalawan ko ngayon, uso ang salitang hide and seek at kapag nahanap kita, ikaw ang taya at ikaw ang walang kawala.

Kung magpapahuli ka, ikaw ang may mawawala.

Sa isang liblib na lugar na may malalaking puno at nag iisang sira at abandonadong bahay na napapalibutan ng sasakyan ay may isang grupo ng mga lalaki at babae na nakasuot ng maskara na itim na mata lang ang natatakpan, ang iba sa kanila ay nakakulay dark blue at red.

Pumasok sila sa ilalim ng lupa dahil may secret door passenge ito. At sa ilalim nito ay may sobrang luwag na arena at mga bench, ang arena na ito ay hindi para sa mga sikat na celebrity, ito ay para sa mga mafias, assassin at gangster. Dito ginaganap ang battle of the fight na assissin to assassin, mafia to mafia and gangster to gangster. Underground arena ang tawag sa lugar na ito.

Taon-taon ay mayroon ginaganap na battle of the fight dito. Kung mahina ka, patay ka. Kung malakas ka, katatakutan ka.

Ang battle of the fight ay isang laban na kung saan ay gustong tumaas ang rank nila. Hanggang rank 50 ito. Kung hindi ka pasok sa rank, mahina ka at hindi ka bagay sa lugar na ito.

Ang laban na ito ay hindi lang basta mano-mano kundi may mga baril at may espada o anumang matatalas na bagay ang pwedeng gamitin sa labanan na ito. Hindi porket may sandata ka na, e matapang ka na. Dapat mautak at madiskarte ka kapag nasa labanan ka na.

Ang lahat ng mga nanonood ay member ng assissin, mafia at gangster. Dahil nasa kalagitnaan na ang laban ang lahat ay isinisigaw ang kanilang mga iniidolo sa pakikipaglaban dahil dito nakasalalay ang perang itinataya nila para sa mga manok nila.

Dalawang babae ang naglalaban na may maskara sa mata. Nakasuot sila ng maluwag na itim na damit. At sa loob noon ay may nakalagay ang iba't ibang armas na kailangan nila. At sapat na para mapatumba ang kalaban.

'DARK PURPLE! DARK PURPLE!'

Sigaw ng karamihan sa babaeng nakikipaglaban na kilalang dark purple, sikat at magaling ito sa pakikipaglaban sa anumang uri ng fighting. Lahat ng strategy sa pakikipaglaban ay bihasang bihasa siya. Kaya naman ganun na lamang ang pakikipagpustahan ng karamihan sa kanya.

Expect na ng mga nanonood na sya ang mananalo kaya natapos ang laban na nakatulog ang kalaban.

Nang mabigyan siya ng parangal bilang isang Empress princess. Para sa nakakataas na posisyon ay tinanggihan niya ito.

'This is the last time na maglalaro ako, I officially quit. Thank you."

Dahil sa sinabi ng Empress Princess ay nagkagulo ang lahat. Maraming bulong bulungan at marami rin ang natutuwa dahil mawawala na ang isa sa mga pinakamagaling sa labanan at wala nang haharang sa kanila para makuha ang pwesto niya.

Umalis agad ang Empress Princess at hindi na hinintay ang itatanong sa kanya ng nakakataas.

---------

Present:

*Bang!! Bang!! Bang!!*

Nagising ako sa pagkakatulog ng makarinig ako ng tatlong beses na putok ng baril. At umalingawngaw ito sa loob ng bahay. Nagmadali akong lumabas at may nakita akong dalawang lalaki na nakamaskara at may dragon na tattoo sa kanang braso nila.

THE BADDEST EMPRESS PRINCESS [Under-editing] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora