1.✔️

128 5 1
                                    

Kakain ka sa school natin ng:

Pandeshal sa public place o di naman sa school kung saan tayo pumapasok pero dapat ang palaman ay Adobong manok.

Tapos ishe share mo sa akin, sa una daw tatanggi ako pero hihihi, mapilit ka ehh.

Andrii's POV

"Girl! Alam mo namang diet ako diba?" Hinarap ko na lamang si Wendy ng nakataas ang kaliwang kilay, actually ang totoo hindi lang ako kumakain kasi nga nag iipon ako ng pera ehh! Pero atleast! Two birds in one stone!

"Aish! Sige, oh guys ayaw niya daw sumama! Sige ha! Dalhan na lang kita ng fries para atleast makakain ka! Kulit mo kasi ehh!" Whahaha! Hindi hindi talaga ako matitiis ni Wendy ehh! Love niya ako pero minsan abusado na rin ako ehh!

Hindi naman kasi ako sobrang yaman para makapag jollybee araw araw! Ehh yun lang ang matino tino, ipinasara na kasi ang hepa lane sa amin ehh! Kainis!

Ilang minuto rin ang lumipas at nararamdaman ko na! Waah! Ang sakit sakit ng tiyan ko! Napayakap na lamang ako sa aking tiyan upang pigilan ang pagkulo nito, ako lang ngayon ang nasa classroom kaya napayuko na lang ako sa sobrang gutom.

"Uy, kanina ka pa?!" Unti unti kong inangat ang aking ulo at nakita si Jhed, nakangiti lang siya habang hawak hawak ang isang paper bag kaya napa ayos ako ng pagkakaupo, shocks nakakahiya.

"Pake mo ba?" Pataray ko sa kaniyang sabi, yaah! Naiinis lang talaga ako sa kaniya! Well ganito kasi iyon he's that one guy na kaya akong barahin in a matter of seconds.

"Hmm, bakit ba hindi ka kumain ngayon?! Alam mo bang lagi kitang hinahanap este hinahanap ka ng mga kaklase natin." Napakamot na lang siya sa batok niya ng bigla siyang namula.

"Tsk, plastic." Ani ko ng may halong pagkairatable.

"Tsk alam mo namang masamang magutom diba? So tell me the truth! Bakit nga?" Aniya na may pataas baba pa ng kilay na nalalaman. Ugh! Wala naman yatang mangyayari kung magsisinungaling ako diba?

"Ahh ehh, wala lang diet kasi ako ehh, whahaha." Itinawa ko na lang ang nararamdaman ko kasi nga sobrang sakit na ng biglang..

*Trumm trumm*

Napahawak na lang ako a aking puson upang pigilan ang agrisibo nitong pagkulo, waaah! Nakakahiya! Naramdaman ko ang biglang pag init ng aking pisngi kasabay ang pananakit ng tiyan.

"Hahahaha! Wag kang mag diet! Please! Ayokong magdiet ka ha!" Tawa tawa niyang sabi! Ugh! Kainis! Bakit pa kasi siya ang kasama ko ngayon?! Lupa! Kainin mo na ako! Waah!

Umupo siya sa bandang tabi ko ngunit itinaboy ko lamang siya, "chuuuuuj! Chupii! Layas dito!" Habang itinataboy siya ngunit tila ba walang narinig ay patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawang pagbubukas ng ang paper bag at sa wakas ay hinugot mula dito ang isang pandesal. Waah!

Napaiwas naman agad ako ng tingin dahil napatingin siya sa akin ng nakangisi na tila ba nangungutya. Itinaas niya ito, sapat lang upang makita ko ng mas malapitan sabay amoy.

*sniff sniff*

"Ahhh! Ang masarap at mainit init na pandesal imported from England worth 4 dollars, ahh! Ang masarap na cheese na talagang bumabagay sa pandesal, imported from US worth 3 dollars ahh." Napatingin siya sa akin habang nakanganga akong nakatitig sa pandesal na para bang takam na takam.

Muli niya akong binatuhan ng isang ngiti, este ngisi, isang ngisi na talagang nakakainis para siyang nangungutya!! Waah!

"At syempre makakalimutan ko ba ang pinakamasarap na parte ng aking recess? Ang adobong gawa ni Mama with love." Nanlaki ang aking mga mata, waah! Adobo.

"Ano masarap ba?!" Sarkastiko kong tanong habang nakasimangot sa kaniya napatawa na lamang siya at tumango sa harapan ko habang kagat kagat ang kaniyang pandesal. "Gusto... mo ba?" Nakangiti niyang sabi at walang pasabi kong hinablot ang kaniyang paper bag at kumuha ng isang pandesal at agad itong kinagat ahh!

"Bayad?" Ani Jhed na parang nangungutya pa, ay? May bayad? Ahad kong ibinaba ang aking kinakain, kung kanina ang saya ng pakiramdam ko ngayon nawala na lang bigla. "Aish kung sinabi mo agad edi hindi ko sana kinuha!" Pagmamaktol kong sabi.

"Aha! Sabi pa nga ba ehh! Wala kang pera kaya hindi ka kumakain! Alam mo bang nag aalala kami sayo dahil baka kasira yang bituka mo?! Ehh papaano kung magka ulcer ka! Papaano kung magkasakit ka?! Papaano kung magkatotoo ang mga sinabi ko? Edi namrublema pa ako? May baby thesis pa akong gagawin Andrii! For heavens sake! Bawasan mo naman ang problema ko ohh! Gago ka ba! Don't scare me like that! Ugh!" Hinila niya ako palabas ng school, hindi siya katulad ng dati na para bang joker, never kong inakalang tatalakan niya ako ng katulad ng gan'on.

"Dito ka kakain! Mura ang bilihin dito at safe pa!" Iritable niyang sabi, actually totoo nga, medyo mahirap lang mahanap kasi nga medyo tago at pupunta ka pa talaga ng isang mall para mahanap pero mura ang bilihin! May bentelog pa! Waah!

Inirapan ko na lang siya at muling kinagat ang pandesal na kanina ko pa hawak.

Itutuloy po..

My boyfriend commandmentsWhere stories live. Discover now