5.Project achu chu..✔️

15 3 0
                                    

Have fun reading!

Iintindihin ako tuwing moody, gutom o meron.

Oo medyo moody ako, oo mabilis akong mainis, oo medyo mahirap akong intindihin pero sinasabi ko sayo sobra sobra ako kung mag mahal! ❤️

Andrii's POV

"Hrmmmmm.." Kunot noo akong napatigin kay Jhed na ngayon ay nakikipag landian kay Lian, "Uy girl ano yan? Mukha kang aso na handang mangagat! What's the problem?" Takang tanong ni Wendy sa akin.

"Ah-ahh wala lang, ehehe." Pagpapalusot ko, hrmmm nanginginig na talaga ang laman ko sa babaeng si Lian na yan! Kaka transfer pa lang niya dito sa University Saint of Anthony tapos mayroon na siyang kalandian?! Ugh.

"Wait, don't tell me you're jealous?" Gulat niyang sabi sabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata kaya agaran kong tinakpan ang kaniyang bibig, hindi ako makatingin kayla Jhed kasi nga napansin kong napatingin siya sa deriksyon naming dalawa ni Wendy.

"Ano ka ba! Hindi.. Ehh! I never get jealous!" Iretable kong sabi sabay padabog kong itinaas ang mga papel na nasa aking harapan at muli padabog kong ibinagsak ito dahilan upang mapatingin sa akin ang mga kaklase ko.

"Ahh ehh, ma-may lamok! May lamok sa desk ko! Baka may makagat pa ehh." Tawa tawa kong wika habang hinihimas himas ang table na pinagbagsakan ng mga papel, "Eheheh, oo may something, may something." Sabay patago kong inirapan si Jhed.

Muli akong napasulyap sa kaniya at nakita na magkadikit na pala ang kaniyang noo kaya inirapan ko na lamang, ilang segundo ang lumipas at lumapit siya sa akin.

Tiningala ko siya dahil nga naka upo lang ako, "Ohh? Anong problema mo?" Pataray kong ani sabay taboy sa kaniya gamit ang aking mga kamay ngunit para lang wala siyang nakita at patuloy na nagsalita.

"Nagseselos ka ba?" Walang emosyon niyang sabi, who the fuck does he think he is?

"Ayieeeeee.." Napatingin agad ako sa mga kaklase ko na kanina pa pala nakatingin habang inaabangan ang mga sasabihin namin. "Hindi!" Napapikit na lamang ako sa sobrang inis!

Papaano ba namang hindi ako mag dadabog ehh malapit na ang deadline ng aming project tapos maglalandi lang siya habang kami ni Wendy naghihirap?! Tsk napakahirap isipin na nasa top siya!

Top four to be exact.

"Ehh ano? Bakit kanina ka pa nakatitig sa amin dalawa ni Lian", kunot noo niyang sabi habang direktang nakatingin sa akin, alam ko, kasi nga ramdam ko ehh! Medyo nakaka ilang.

"Kasi nga kaming dalawa ni Wendy hindi na magkandaugaga para lang matapos ang project natin, NATIN!" Kunot noo akong tumitig sa kaniyang mga mata sabay irap para makawala muli sa kaniyang mga titig.

"Achu chu.." Pangungutya niyang sabi habang sinusundot sundot pa ako sa tagiliran, ugh! Napapa urong naman ako kay Wendy dahil nga malakas ang kiliti ko doon ehh, nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Taena naman ehh!" Palahaw kong sabi! "Sabi ngang hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? Ano bang meron sa atin?!" Napa takip na lang ako ng aking bibig sa aking sinabi, hala! Nakakahiya!

"Ohhh.." Reaksyon ng mga kaklase ko, hindi na sumagot pa si Jhed at nanahimik na lang sabay upo malapit sa akin at dali daling ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla, hindi inisahan na ganoon ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ko. H-hindi ako makagalaw.

"Ginawa ko na ang part ko sa project, okay? Ipapasa ko na lang sayo mamayang recess, at kung nagseselos ka man childhood friend ko si Lian, please! Kanina sobrang saya mo tapos ngayon ang grumpy mo." Malumanay niyang sabi.

"A-ano bang ginagawa mo?" Hindi niya ako sinagot sa halip ay mas idinikit niya pa ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Ang moody mo tuwing monday, pero okay lang."

Itututloy po..

Thank you for reading!

Vote and comment myloves! <3

My boyfriend commandmentsWhere stories live. Discover now