14.That smell S-4/J-2✔️

16 2 0
                                    

Enjoy reading myloves!

"Hmm smell" ika nga ni Jin, Smell!

Kailangang mabango, mabilis akong maakit ng lalaking pabango! Waah!

Andrii's POV

"Clyft! Tangina! Ano yan?!" Hindi ako makapaniwala sa na amoy ko, taena! Mapapamura ka na lang talaga kapag dadaan si Clyft sa unahan, "lumayas ka na nga Clyft! Ano ba yan?!" Napasinghal na lang ako ng makitang papalapit si Clyft sa aking gawi.

"A-ano ba Clyft?" Napangiwi at napatakip ng aking ilong, I can't take it anymore! Dali dali akong tumayo at patakbong nagtungo sa pintuan ng aming classroom. "Uy joke lang naman, 'to naman akala ko ba magbarkada tayo? Uy!"

Wah! 'Yaw ko na! Ang baho niya! Ang sangsang ng amoy! "Ang damak mo talaga Clyft!"

"Parang umutot lang!" Tawa tawa nitong sabi habang napapahawak sa kaniyang tiyan.

*blagg*

"A-aray." Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sa pagkaka untig ko sa pader, ay wait joke, hindi pala pader isa palang Jhed, tumayo agad naman agad ito, akmang tutulungan akong tumayo ngunit inunahan ko na siya , sapo pa rin ang aking ulo dahil sa sakit na nadama.

"Kung akala mo makakatakas ka sa kasalanan mo, well think again Jhed." Inirapan ko na lang siya at patuloy na naglakad palayo, ano sa akala niya? Gan'on na lang kadaling kalimutan ang birthday ko? Silang dalawa ng ungas na Saito ang hindi umattend kaya naman ang sarap nilang gilitan ng buhay.

"Ano ba?" Namilog na lang ang aking mga mata ng makita ko siya sa aking harapan. "P-paano ka naka punta dito?" Hindi ako makapaniwalang ganun siya kabilis, wah!

"Hmm, timang!" And with that pinitik niya ang aking noo kaya napapikit na lang ako. "Nagkalagnat ako, hindi ba pwedeng excuse iyon?" Inirapan ko na lang siya at nagtungo sa kaninauupuan ng mga kaklase kong babae.

"Aish, ano ba Jhed? Yung truth?!" Ugh! Agad ko siyang nilingon at pinanlisikan ng mga mata, kanina pa siya! Parang asong sunod ng sunod! Kulang na lang ang lace kasi nga mukha naman siyang aso.

"Isa pa at babatukan na talaga kita." Pagbabanta ko, itinaas ko ang kamay ko at akmang susuntukin siya ng agaran niyang hinawakan ang kamay ko atagarang inikot ako, "Huh." Namalayan ko na lang nakayakap na siya sa akin.

"Sige isang galaw mo pa iki kiss na kita! Sabing nilagnat ako." Tawa tawa nitong sabi, mag sasalita pa sana ako ng mabalot ako ng isang amoy, langya lalaking lalaki, hindi ko mapigilang hindi mapapikit habang nilalanghap ito.

Sobrang amoy, lalaking lalaki ang dating ng kaniyang pabango. "Is this the part where I try to kiss you?" Itinulak ko na lamang siya ng mabalik ako sa katinuan.

"Ungas ka rin katulad ni Clyft ehh!" Tawa tawa kong sabi ngunit napasimangot na lamang siya. Whahaha.

Siguro nga kapag sobrang close na kayo ng isang tao hindi mo mapipigilang patawarin siya kahit na gaano pa kasama, agad akong nagtungo sa nagkukumpulan na girls para maki chika, ehehe.

"So guys, sino bang crush niyo?" Napatingin na lamang ako kay Wendy na ngayon ay nagbukas ng topic, hay nako yan na naman? Akmang aalis ako ng hawakan ni Wendy ang aking kamay, "ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Saad pa nito.

"Aalis na, pasalamat na lang kayo at wala si Angela." Namutla agad siya sa narealize at mabilis na iginala ang paningin, pasalamat na lang talaga at wala si Angela.

"Hay salamat." Tila ba nabunutan ng tinik sa kaniyang puso at agad na hinarap ako. "Walang aalis." Hinila niya ako pabalik kaya wala akong nagawa kundi ang makisali, naman kasi ehh.

"Jhed, layas dito, girls talk to kaya 'wag ka nga." Pataray na sabi ni Wendy kaya napasimangot na lamang ito sa inakto ng dalaga ngunit nag matigas at nagawa pang umupo katabi ko, kapal.

"Tsk, alam niyo girls? Bayaan niyo na lang, bakla 'yan ehh." Pagpaparinig ko.

"Ako bakla? Ilang anak ang gusto mo?" Sabay kindat sa akin, kinilabutan naman agad ako.

"Ayie, ako ninang!" Anunsyo ni Wendy, hay nako nagsama na ang mga abnormal! Naghagikhiakn na naman ang mga kaklase ko, mga timang din ehh ngunit para bang nakakita ng kung ano ay napatigil sila.

Tingin sa akin sabay tingin sa aking likuran, but what caught my attention is that smell, napa pikit na lamang ako dahil sa kakaibang amoy nito, hindi ko maipaliwanag, may kahalong scent nakakaiba ehh.

Lalaking lalaki ang dating ngunit hindi katulad kay Jhed na pabango ehh swabe ito't hindi masakit sa ilong. "Hmm, bango." Hindi ko namalayang napalakas pala ang aking pagkasabi kaya agad akong tumingin sa likudan.

Agad na nagtama ang aming paningin, sobrang lapit namin sa isa't isa kaya nanigas ako agad na tila ba hindi maalis ang pagkakatitig sa gwapo niyang mukha.

"Ahh ehh.." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig dahil sa labis na pagkagulat, shete!

Itutuloy po..

Authors note: Jhed bawi next time! Habol!

Thank you for reading myloves!

Vote and comment my loves! <3

My boyfriend commandmentsWhere stories live. Discover now