11.I'm your arts boy 1/1 ✔️

12 2 0
                                    

Have fun reading!

Mahilig sa trip ko! Kung hindi maybe tinatry niyang magustuhan yun? Ehh?

Andrii's POV

Napatingin na lamang ako sa lalaking nasa unahan namin ngayon, manghang mangha sa nasilayan, hindi ko inaakalang dito ko lang pala matatagpuan ang dream boy ko, walang iba kundi si Saito, Nathan Saito Mikage to be exact!

Agad na nagsitakbuhan ang mga kaklase ko sa kani kaniyang nga upuan, langya! Akala mo kung sinong kababait! Pero duh! Ahh! Si Myloves Saito yan ehh! Shete! This couldn't be true! Gumising ka na Andrii gumising ka na!

"Saito kindly introduce yourself." Nakangiting sabi ni Ma'am Aileen, wah! Parang kahit si Ma'am hindi makapaniwalang nandito si Saito sa harapan namin.
"Ahh, hi guys! My name is Nathan Saito Mikage.." Hindi na naituloy ni Saito ang sasabihin dahil biglang umepal si Jhed.

"Tsk, kakasabi lang ni Ma'am, shunga." Napatingin kaming lahat kay Jhed ngunit para bang wala lang ay kinuha niya sa kaniyang bag ang Headset niya, mukhang makikinig na lamang sa Music. Problema nun?

"Jhed!" Napatingin kaming lahat kami kay Ma'am na ngayon ay parang nanggagalaiti na ngunit pinipigilan lang niya ito dahil nga ay nasa harapan pa si Saito. Patay! Gulo yata 'to?!

"Miss, it's okay, don't mind me." Nagbigay ng napakatamis na ngiti si Saito na ikinatunaw ng aking puso! Ahh! Tumango na lamang si Ma'am at hinayaang ipagpatuloy ni Saito ang sasabihin.

"So going back, I am a transferee from Javier University, due to certain things me and my family needed to move away from Davao to live here in Manila, I am really looking forward, hoping to learn new things as well as to meet new friends." Nakangiti niyang ani! I never pictured him to be this perfect.

Mabilis na nag daan ang oras! Specially dahil nakatingin lamang ako kay Saito, hinihintay na mapansin niya ako, kahit isang ngiti lang ohh! Dati kahit na makasilip lang ehh okay na pero ngayon? This is a dream come true.

"Uy girl! Tama na muna sa pagfa fan girl! May lecture ohh!" Inirapan ko na lamang si Kenna, biglang napako ang tingin ko sa nakakunot na noo ni Jhed. "Ohh? Anong problema mo?" Kunot noo kong tanong ngunit hindi niya na lamang ako pinansin.

"Oi! Tulo laway mo!" Ani Angela na wari ko'y kontra din sa pagpapantasya ko kay Saito! Ugh! Isa na lang talaga! Kanina pa ako nagtitimpi! Para na akong bombang sasabog dito, kapag ko kontrahin pa nila ako magkakamatayan na talaga! "Gir.."

"Ano ba?! Masama bang i appreciate ang gawa ni God dito sa mundo!" Napatayo na lamang ako, kanina pa ako nagtitimpi! Hindi ko na kaya! Napamulat na lamang ako at nakitang hawak hawak ni Kenna ang black ballpen na wari ko'y pagmamay ari ako.

Bigla akong binalot ng hiya ng makitang lahat sila ay pinagtitinginan ako, hinhintay ang bawat kilos na gagawin ko, naku po! Lupa kainin mo na ako!

"Ahh ehh, joke lang ehehe. Peace yow." And with that inangat ko ang aking kamay at nagpeace sign sa kanila, wah! Pero talaga ehh! Pinansin ako este tiningnan ako ni Saito meloves! Wah!

"Miss kindly continue." Ani Saito na tila ba naiinis sa aking ginawa? Bigla akong nabalot ng kahihiyan sa katawan! A part of me crush pa din siya! Pero yung sa other half gusto ko siyang pakuluan ng buhay! Argh! Amputa!

Napalingon na lamang ako, nakita ko sina Jhed, naghahagikhikan! Mga puta! Badtrip! Akala mo kung sinong gwapo yung Saito ahh!

"So as I was saying, who would like to join Mister Jay's class during saturdays?"

"Ma'am? Pati ba naman Saturday may classes?" Sabi ni Jhed, hay nako kahit kailan talaga reklamador 'tong isang 'to. "Tsk." Napatingin na lamang ako kay Saito sa inakto niya! Watdapak?! Tsk, totoo nga ang sinasabi ng marami! Ugh! I can't believe naging fangirl ako netong lalaking 'to.

"Kung sino lang po ang interesado Jhed, makinig din pag may time ha?" Nakangising saad ni Wendy, hay nako mukhang mag aaway pa 'tong dalawa.

"Tungkol ba saan?"

*facepalm*

"Hindi ko alam kung ewan ka o sadyang mas ewan kayong dalawa ni Andrii." Ani Wendy na nakangisi sa aming dalawa.

"Oi! 'Bat ako nasali? Wala akong ginagawa! I'm inosense!" Napapikit na lamang ako, ugh! Nakakainis! Pagtripan ba naman ako? Okay lang sana kung si Jhed lang, masaya pa ako ehh.

"Tungkol sa ARTS Miss Cay, so are you going to join?" Biglang nagpi tig ang aking mga taenga ng marinig ang salitang arts, wah! I love drawing! I love arts! Wah! Tumango tango na lamang ako sabay ibinigay ang matamis kong ngiti, wah!

"I'm in." Tipid na sagot ni Saito, well baka pag asa ko na ito? Wah! Crush ko pa din naman siya pero kupal pa din! Pero cute niya eh! Hihihi!

"Ikaw Jhed?" Ani Wendy, napatingin na laman ako sa kaniya, knowing na kahit nga bahay ehh nagpapatulong sa akin magdrawing ehh may break na din ako sa kaungasan niya, kahit week ends lang.

"Tsk, fine." Halata sa boses ni Jhed na napipilitan lang siya, luh? First time napapayag sa ayaw niya ah? This is going to be fun.

Itutuloy po..

Thank you for reading.

Vote and comment naman po myloves! <3

My boyfriend commandmentsWhere stories live. Discover now