1

65 4 0
                                    

#WAValentinesStory_Entry
Title: Lipstick
Genre: Tragic
Code/Name: itsme_gabriel

itsme_gabriel

Story

Son's P.O.V

Hindi na nagkakaroon ng oras ang ina ko para sa akin, hindi nga niya ako pinapansin dito sa bahay, abala kasi siya sa trabaho niya at sa bago niyang mapapangasawa. kinalimutan na niyang anak ko, tinuring niya akong hangin, kahit tawagin ko siya ay hindi siya tumitingin sa akin.

Araw-araw kong nilalagyan yung salamin ng kwarto niya ng letter, pero hindi niya toh binubuksan, halos mapuno na yung harapan ng salamin niya sa mga letter ko pero hindi niya ito binubuksan, sana man lang kahit isang letter lang yung bubuksan niya eh masaya ako.

Nakita ko si mama na may bitbit na cellophane kaya sinundan ko siya nakita ko na tinapon niya yung mga letters na binigay ko sa kanya.

Pagkatapos niyang ligpitin at ilagay sa cellophane yung letters ay agad niya itong tinapon sa labas at kinuha yung bag niya at umalis.

Tumulo yung luha ko dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko, sarili kong ina hindi ako minahal.

Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko yung mamahaling lipstick niya na naiwan sa salamin, nagsulat ako sa salamin ng isang malaking "I LOVE YOU MA" tapos may happy face sa dulo, naubos yung lipstick niya, alam kong magagalit tala yun.

Mother's P.O.V

Naiwan ko yung lipstick ko.

"Manong balik nga po ta'yo"

-------------

Dumating yung mama ko at pumunta agad sa kwarto at nakita niya yung lipstick na wala ng laman at nakita niya yung nilagay ko sa salamin niya, galit na galit siya.

Sinampal ako ng mama ko.

"Ba't mo ba ginamit tong lipstick na toh? alam mo bang sobrang mahal nito?"

"Gusto ko lang naman ng oras ma! sana naman maisip niyo na may anak kayo dito! mahal na mahal ko kayo tapos itinuturing mo lang akong hangin! ano ba ang maling nagawa ko? umiiyak ako

"Marami, mas lalo mo pang dinagdagan dahil inubos mo yung lipstick ko! galit na sabi ni mama

"Ano po bang dapat kung gawin para maging masaya ka?"

"Magpakamatay ka!" sigaw ni mama sa akin at umalis sa bahay

Mother's P.O.V

Habang sumasakay ako ay natauhan ako sa sinabi ng anak ko, tama nga siya na parang hindi ko na siya tinuturing na anak, hindi ko naiisip na may anak akong naghihintay para sa akin, bakit ko ba nasabi sa kanya yun, bukas babalik ako at maghihingi ng patawad.

Kinabukasan umuwi ako kaagad at hinanap ko siya dahil wala siya bahay, pumunta ako sa kwarto at nakita ko siyang nakalambitin na at may letter na nakasabit sa t-shirt niya, kinuha ko yun at binasa.

Dear Mama,
Sana masaya ka na, ito oh diba ito yung gusto mo? ginawa ko na para maging masaya ka na, kahit kasalan ang pagpapakamatay ay ginawa ko ito para maging masaya ka, ganun kita ka mahal ma kahit sarili ko pang buhay ang itaya ay wala lang sa akin yun basta maipadama ko lang ang pamamahal ko sa'yo, ingat ka ma I love you.

Habang binabasa ko yung letter na nakalagay sa t-shirt niya ay hindi ko mapigilang umiyak dahil sa pagkakasalang nagawa ko, ng dahil sa lipstick ay nawala ang anak ko, dahil sa isang pagkakamali ng anak ko ay nagawa niyang magpakamatay para sa akin, sana kahapon ay umuwi ako kaagad pero pinalipasan ko muna kaya eto yung naabutan ko, nasa huli nga ang pagsisisi.

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=895837147243876

Valentine's Story Edition (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon