4

11 4 0
                                    

#WAValentinesStory_Entry
Title: I spent my valentines with Razen
Genre: Romance
WattyUsername: iamlowieren

Papunta ako ngayon sa rest house namin sa Baler upang takasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa panloloko ng boyfriend ko. Hindi ko ata kayang manatili sa manila dahil sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong lumayo at kalimutan ang lahat, nagbabakasakaling na sa paglayo kong ito malilimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Para akong sinasaksak ng patalim sa tuwing maaalala ko ang panloloko nito. Ang sakit-sakit! Hindi ko na kaya! Gusto ko ng mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Ma'am, nandito na po tayo." Sabi ng driver namin na nagpabalik ng diwa ko. "Ma'am, okay lang po ba talaga kayo? Kanina pa po kasi kayo iyak ng iyak habang papunta tayo dito." Dagdag pa nito.

"I'm okay! Paki baba na lang po ng mga gamit ko." Sagot at utos ko kay manong tapos tumakbo ako sa dalampasigan upang doon ibuhos ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na alam kung gaano na ko katagal na umiiyak. Narinig ko na lang ang boses ng isang lalaki. Tinatanong ako nito kung bakit ako umiiyak. Pinunasan ko ang luha sa aking magkabilang pisngi at tiningala ang lalaki. Nakangiti ito habang nakatitig sa akin. Hindi ako kumibo. Ibinalik ko na lang ulit sa buhangin ang aking paningin. Umupo ito sa tabi ko at muling nagsalita.

"Alam mo ang ganda-ganda ng umaga tapos umiiyak ka lang. Sinasayang mo ang kagandahan ng umaga. Halika samahan mo na lang ako kesa nagmomokmok at umiiyak ka dyan." Sabi nito sabay hila sa akin.

"Teka, sandali, saan mo ako dadalhin?" Tanong ko habang hilahila nito.

"Sa dagat."

"Huh!"

"Magse-surfing tayo."

"What!? I do not know how to surf!"

"That's not a problem. I will teach you!." Nakangiting sagot nito.

"Ayoko, natatakot ako!" Sagot ko sabay bawi ng kamay ko.

"Wag kang matakot, hindi kita pababayaan, promise!" Tinaas pa nito ang kanyang kanan kamay. "Sigurado ako na malilimutan mo yang dahilan ng pag-iyak mo oras na nasa ibabaw kana ng surfing board ko." Dugtong pa nito upang makumbinsi ako.

Tila nagdadalawang isip ako sa huling sinabi nito. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi nito pero parang may nagsasabi sa akin na sundin ko ito. Dida nga kaya ako nagpunta dito upang malimutan ko ang panloloko sa akin ng ex boyfriend ko. Tsaka tama naman sya, kesa nga naman nagmomokmok at umiiyak ako bakit hindi ko na lang in-ejoy sa ang sarili ko upang makamot.

Tinuruan nga ako nitong mag-surf. Sa una hirap ako dahil hindi naman ako marunong, idagdag pa ang takot at kaba na nararamdaman ko. Ilan beses rin akong nahulog bago ako matuto. Pero kakaibang saya ang naramdaman ko ng magawa kong makatayo at mag-balance sa ibabaw ng surfing board nito. Yun nga lang hindi ako nakatagal ng limang minuto dahil nahulog din agad ako.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong nito ng nakaupo na kami sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga alon na humahampas sa buhangin. Nakangiting tumango-tango ako sa kanya. Hindi nga ito nagkamali. Kahit papaano nakalimutan ko sandali ang problema ko habang tinuturuan nya ako.

"Razen nga pala." Pagpapakilala nito habang nakalahad ang kamay sa akin.

"Chamelle." Sagot ko sabay abot sa nakalahad na kamay nito.

"Bago ka lang dito no?" Tanong ulit nito. "Matagal na kasi akong pabalik-balik dito ngunit ngayon lang kita nakita.

Umiling-iling ako. "Hindi, pero ngayon na lang ulit ako nakabalik dito." Sagot ko.

Valentine's Story Edition (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon