10

7 3 0
                                    

#WAValentinesStory_Entry
Title: "The Best Part of Love"
Genre: Romance
Author: StandfordYrrehc_WP

StandfordYrrehc_WP

-One shot-

***

Mula sa aking kinauupuan dito sa cafeteria ng school namin ay tanaw na tanaw ko ang mga schoolmates kong nagkakasiyahan. Lahat sila'y nag-eenjoy sa mga nangyayari sa araw na to, mapa guro man o estudyante. Ngayong araw ay ang 111th founding anniversary ng aming university at saktong natapat pa sa valentine's day. Halos lahat ng nakikita kong mga estudyante ay nakasuot ng pula tanda na ngayon nga ang araw ng mga puso. Pati mga designs ng school namin ay may mga hugis puso rin. Tsk. Parang hindi foundation day yung sinecelebrate. Kung hindi lang sana required ang pagpunta dito edi sana masaya't matiwasay na akong natutulog sa kama ko ngayon. Pagkatapos kong maubos ang laman na natitira sa Softdrink na inorder ko ay agad akong lumabas ng cafeteria para bumalik sa classroom namin. Wala akong balak ienjoy ang araw na 'to dahil walang rason para magpakasaya ako sa araw na to. Infact, this day is the worst for me. Marami lang akong masasakit na naaalala sa twing darating ang araw na to. Tss. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maasiwa sa mga nakikita ko. Nandyan yung mga babaeng kilig na kilig habang binibigyan ng mga lalaki ng mga materyal na bagay gaya ng Rosas at tsokolate. Tapos anu kasunod niyan? Iiwan ka rin lang. Tss. Nandyan rin yung nakakainis na iba't-ibang pakulo ng mga estudyante gaya ng Jail booth at weeding booth. Syempre, hindi rin mawawala ang mga babaeng parang bulateng kilig na kilig dahil sa Open-mic. Nang marating ko ang classroom namin ay bumungad sakin ang tatlo kong mga kaklase. 2 babae at isang lalaki to be exact. Akala ko solo ko ang classroom namin ngayon, mukhang hindi. Sa tingin ko'y nasa isang matinding usapan sila. Agad naman silang napatingin sakin at mukhang hindi inaasahan ang pagdating ko.

"Re-rejenn.. Ba't nandito k-ka?" Utal na tanong sakin ng isa sa babae kong kaklase. If i'm not mistaken her name was Rozel. The other girl is Shane while the boy's name is Christian. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakit bawal ba akong pumunta sa room? Hmm. I think there's something happening between the three of them. Tss, nevermind. I just go to my seat which is at the last row malapit sa bintana. Nang makaupo ako'y agad akong umubob sa desk and try to sleep.

"Wag mo na siyang pakialamanan Rozel. Let's talk about our Problem here." Rinig ko pang sabi ni Shane na may bahid ng pagkainis sa tono nito. Tsk. Sa tingin ko'y hindi ako makakatulog nito. Mas mabuti sigurong panoorin ko na lang sila. Curios rin kasi ako.

"Anu bang problema mo sakin Shane? Kanina pa ako nagtitimpi sayo ha! Hindi na kita maintindihan!" Sigaw ni Rozel. Ngayo'y pinanonood ko na sila. Hindi naman nila ako napansin.

"Pls. Wag nga kayong sumigaw. Mag-usap usap tayo ng maayos." Awat sa kanila ni Christian. Sabay hawak sa braso ng dalawa. Tss, I smell something fishy.

"Bitawan mo nga akong manloloko ka!" Sigaw ni Shane sabay tabig sa kamay ni Christian.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang panloloko niyong dalawa sa akin! Mga walang hiya kayo! Ikaw Rozel, You know that you're my Bestfriend right?? Bakit mo tinalo yung Boyfriend ko??!! At ikaw Christian, Malala ka! Sa mismong araw pa nang Anniversary natin ngayon! Bakit? Bakit niyo ginawa sakin to? Sabihin nyo!!!!!!" Sigaw ulit ni Shane! Namumula ito sa galit at kasabay rin nito ang pagtulo ng mga luha nito. Bakas naman sa mukha ni Rozel at Christian ang pagkagupat sa sinabi ni Shane. Ako, hindi ko magawang maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. This scene.... Is familiar to me.. Very familiar.

"Shane! Pls. Kumalma ka. Let me explain. Let me fix this." Saad ni Christian na mukhang naiiyak na rin sabay yakap kay Shane ngunit itinulak lang siya nito. Napayuko naman si Rozel. I think, she's also crying. Naiinis ako sa sitwasyong nakikita ko ngayon. Lahat ng masasakit na alaala'y bumubalik ulit sakin.

"You can't fixed this Christian. I hate the both of Yo---" naputol ang sasabihin ni Shane ng biglang nagsalita si Rozel.

"Kasalanan ba talaga namin Shane? Kasalanan ko bang mahalin siya? Alam mong gusto ko siya dati pa diba? Alam mong may nararamdaman rin siya sakin noon diba? But you!! You stole him from me. Yun nga yung masakit. Bestfriend kita so inakala kong tutulungan mo akong maging kami pero hindi. Hindi yun ang nangyari. Dahil sa halip na maging Kami ay naging Kayo!!!! Ikaw ang selfish dito!!!" Naiiyak na sigaw ni Rozel.

****pakkkk***

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Rozel galing kay shane.
"Shaneeeeeee!" Sigaw naman ni Christian at pinigilan ang kamay ni Shane na akmang sasampalin ulit si Rozel.

"Ako ang may kasalanan ng lahat! Kung hindi dahil sakin ay hindi masisira ang pagkakaibigan niyo! Patawarin niyo ako. Hindi ako ang nararapat sa inyong dalawa." Saad ni christian at pagkatapos nun ay umalis sa classroom.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanila.

"Love is really complicated. It can make you very happy, but it can also be your worst heartache. Pareho lang kayong nagmahal. Hindi ko man alam ang naging sitwasyon niyo pero alam ko ring pareho lang kayong nasaktan at nasasaktan. Hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan sa inyo. Wag niyo ng hintayin na umabot kayo sa pagpapatayan at pagkasira ng pagkakaibigan niyo. Ayusin niyo yan bago pa mahuli ang lahat. Learn to forgive. That's the best part of Love." Saad ko sa kanila at lumabas na ng classroom. Hindi ko namalayang nakarating ma pala ako sa open field ng school namin. Umupo ako sa damuhan ang ipinikit ang mga mata ko.

I'd also have a bestfriend and a lover before. You know why i hate this day? Because ito rin yung araw na nag-away away kami. Valentines day. I thought magiging masaya kami. Hindi pala. Nalaman ko kasi na nagkakamabutihan na silang dalawa. I accidentally saw them kissing. Nagulat nga sila na makita nila ako. But hindi ako katulad ni Shayne na malakas ang loob para sabihin ang nararamdaman ko. May sakit kasi ako sa puso. Umiyak lang ako nun at parang tangang nagtatakbo. Hindi ko namalayang may paparating palang truck. Akala ko ako lang ang masasagasaan ngunit tatlo kami. May dalawang taong yumakap sakin. Si bestfriend at yung boyfriend ko. Prinotektahan nila ako. Narinig ko pa ang sabay na bati nilang dalawa sakin bago ako mawalan ng malay.

"Happy Birthday."

Yeah. Tama kayo. It's my Birthday today. Ngunit ito rin ang kamatayan ng dalawang importante sa buhay ko. It's there 2nd death anniversary today. Iminulat ko ang mga mata ko at ngayo'y kita ko ang magandang mga ulap sa kalangitan. Hindi ko pla nasabi na muntik na akong mabulag ng dahil sa aksidente.

"Salamat King! Sa mga Mata mo." Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

"At Salamat rin Rachel bestfriend.... For giving me your HEART..." Saad ko sabay hawak sa dibdib ko.

******END******

PS.Sorry if hindi masyadong maganda. Nagtry lang po ako. But Salamat po in advance sa maglalaan ng oras sa pagbabasa. 😊😊

***Unedited post from WATTPAD ACADEMY OFFICIAL GROUP.

LINK: https://m.facebook.com/groups/746754412152151?view=permalink&id=891600397667551

Valentine's Story Edition (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon