3

23 4 0
                                    

#WAValentinesStory_Entry
Title: The day I Met You
Genre: Romance
WattyUsername: savageblossom

Sa buhay natin, may darating at may aalis. Pero bakit nga ba ganoon? Bakit kailangan dumating kung aalis din naman pala ito?

“Happy Valentines Lia,” bati sa akin ng aking ka-office work. Hindi ako sanay na may bumabati sa akin. Bukod kasi sa hindi talaga ako nagce-celebrate ng Valentine’s Day ay wala talaga akong pakialam dito. Hindi ko ito sinagot at tinuon ko lamang ang aking sarili sa aking trabaho maghapon habang ang buong office ay niyayaya akong lumabas at maghappy-happy.

“May pupuntahan kasi ako,” tugon ko lamang sa mga ito nang ayain nila ako. Limang taon na ako sa kumpayang ito pero kahit kailan ay hindi ako sumama sa kanilang pa-valentines party. Sapat na sa akin ang magkape sa paborito kong coffee shop habang tinatapos ko ang libro na aking kabibili.

“Ma’am, your cappucino po.” Nilapag na ng waiter ang aking order pero parang may gusto pa itong sabihin sa akin.

“Yes?” tanong ko rito.

“A-ah, Ma’am. Wala po ba kayong ka-date? Matagal na po kasi kayong customer dito pero hindi ko pa kayo nakitang may kasamang ibang lalaki.” Tinitigan ko ito sa mata dahil pakiramdam ko ay maraming lakas ng loob ang kinuha nito para kausapin ako ng ganito.

Sino nga ba siya? At anong problema nila sa mga taong mag-isa sa Valentines?

“Ah Ma’am, sorry po sa aking pagtatanong sa iyo. May isang customer lang po kasi kami na gusto kang makilala. Hindi ko po talaga gustong abalahin kayo,eh.” Sabay kamot nito sa kaniyang ulo habang itinuturo ang isang lalaki na kumakaway na sa akin ngayon.

“Hi?” tanong ng lalaking kanina lamang ay kumakaway sa akin, ang lakas ng loob lumapit.

“Sir,” bati ng waiter sa lalaki sabay abot nito ng limang daang piso.

“Ma’am sorry po talaga, kailangan ko lang po pang-date sa girlfriend ko, mabait naman po si Sir, at saka Ma’am mukha naman po kayong walang kasama,” saad nito at saka nagmadaling umalis na sa aking harap.

Tinitigan ko ang lalaking nasa aking harap. Nagpapa-cute ito dahil ang ngiti nito ay abot langit. Perfect na sana ito sa mga nababasa ko sa mga libro kaya lamang ay malalim ang mga mata nito. Bampira ba ito?

“I’m Marco.” Inilahad nito ang kamay sa akin.

“I’m not interested,” wika ko rito na pa-sarkastiko.
Natawa ito at binawi ang kamay.

“You know, It’s Valentines Day and I want to share this day to you.” Tinikman ko ang cappucino na nasa lamesa at hindi ko na pinakinggan ang lalaki sa aking harap.
Inubos ko na agad ang aking iniinom na hindi ko madalas  ginagawa dahil sampung minuto ko muna sana aamuyin ang aroma ng kape. Ngunit dahil sa lalaking hindi natigil sa kakak’wento ng buhay niya ay sobrang nairita na ako at natungga ko na ang isang tasa ng kape.

“Hey! Uuwi ka na?” tanong at pigil nito sa aking braso nang tumayo ako umalis sa aking upuan.
Hindi ko ito pinansin at tinabig ko ang aking kamay na hawak-hawak nito.
Nagulat na lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na malakas na ulan pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ng coffee shop.

“A-ah! MALAS!” hiyaw ko lang habang sinusugod ko ang malakas na ulan.

“Miss!” tawag sa akin ng lalaking sumira ng gabi ko. Nagulat ako sa kaniya kaya pabigla kong nabitiwan ang aking hawak-hawak na libro sa sahig na basang-basa ng ulan.

“Nakita mo na? Nakita mo na ang ginawa mo? Hindi mo ba ako lulubayan? Sinabi ko na hindi ako interesado sa iyo!” bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko habang pareho kaming nababasa ng ulan.
“Miss, I have my car, I can take you home.”
“Bakit ba ang kulit mo? Kaya kong umuwi mag-isa at hindi ko kailangan ng kahit na sino.”

Valentine's Story Edition (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon