Chapter 2

10.2K 164 3
                                    

Kennedy

/Present/

At mula ng araw na yun, pinangako ko sa sarili ko na babayaran ko siya sa kahit na anong paraan.

"Ma'am kayo po pala yan.."sumilay ang matamis na ngiti sa aking pawisang mukha..

"Hindi mo ako kaylangang tawagang Ma'am, Tita will be fine with me.."

"Meryenda tayo.."nakangiti niyang sabi sa aken..

kasalukuyang may prinoproblema ako pero bahala na..nakakahiya kong tatanggihan ko siya..

< Coffee Shop >

Si Ma'am na ang nag-order ng coffee namin at cookies, tinulungan ko naman siyang magbuhat..Umupo kami sa bakanteng table, kung saan makikita mo kung paano ka-busy ang mga tao sa labas ng coffee shop..

Buhay nga naman talaga.

Nakatingin ako sa labas ng biglang nagsalita si Ma'am kaya bumaling ang atensyon ko sa kanya.

"Kumusta na kayo ng mga kapatid mo?"

"Ok lang po Ma'am--I mean tita.."tinignan niya ako...

"Mukhang may problema ka na namang pinagdadaanan.."hindi ako umimik..napayuko ako..

"Ganyan talaga ang buhay iha, kung mahirap ka, walang katapusang problema..Pera ang nagpapagalaw ng mundo.."

Ring...Ring...Ring...

"Wait lang iha, sasagutin ko lang ito.."

< on the phone >

"Hello? May problema ba?"

"Bakit? Anong nangyari? "kumunot ang noo ni Ma'am..

"Ano! Hinde pwede.."tumingin siya sa aken..

"Keep her..wag mong hayaang makatakas...just do it!"

< End Call >

Hinilot ni Ma'am ang noo niya..
Ngayon ko lang nakita siyang nagalit at nakakunut ang mukha niya..
Lumunok ako..

"Ok lang po ba kayo?"bumuntong hininga si Ma'am..

"Sound an evil aged-woman right..."ang cool niya..

"May dahilan ang lahat ng bagay Tita.."tumawa siya ng panandalian at bumalik ang pangamba sa mga mata niya.

"Gumawa na naman ng gulo ang bunso kong anak.."tinignan niya ako..

"Pakasalan mo ang anak ko."

"Po?"

"Ibibigay ko lahat, bahay, pag-aaralin ko ang mga kapatid mo, susustentuhan ko kayo hanggang tumanda kayong magkakapatid..
Kapag namatay ako, may makukuha kayong mana.."

"Po?"tinigan niya ako at bumuntong hininga.

"Sound Desperate..May sarili ka palang buhay..Hindi ka pwedeng magpatali dahil lang sa pera.."ngumiti siya na may halong hiya ang boses niya..

"Pasensiya na iha, desperada na kasi ako...Sooner or later may makakapikot sa bunso kong anak..
Ayokong maikasal siya sa isang babaeng,ingrata,sosyal at walang alam sa buhay, pagpapaganda lang alam,in short--hindi alam magseryoso sa buhay at siguradong maghihiwalay rin sila at hindi titino ang anak ko.."biglang tumulo ang mga luha ni Ma'am..

"Pasensiya ka na iha,pagdating kasi sa mga anak ko..Nagiging emotional ako.."

"Pumapayag po ako. Ang magpakasal sa anak niyo."nakatitig lang sa akin si Ma'am..

Workaholic Bachelor: Blair VillamorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon