Chapter 1

15.2K 195 2
                                    



Girl

"Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad!! "napapikit ako sa lakas ng boses ni Aling Tonyang kasama pa ang pagtalsik ng mabaho niyang laway sa mukha ko..

Liningon ko yung mga kapatid ko sa likod ko, ngumiti ako sa kanila at isinara ang pinto.

"Aling Tonyang, pasensiya na po talaga..Gagawa po ako ng paraan para mabayaran ko kayo ngayong araw.."nagmamakaawang sabi ko..

"Parating ganyan ang sinasabi mo Kennedy pero hanggang ngayon hindi mo parin ako nababayaran!"pagalit na sagot saken ni Aling Tonyang..

Tinititigan niya ako at bumuntong hininga siya..

"Ineng, alam kong napakahirap ng kalagayan niyo ngayon..Wala na kayong magulang, pinalayas kayo ng mga kamag-anak niyo pero katulad niyo mahirap rin ang kalagayan namin. "

"Sana maintindihan mo.."tumigil muna si Aling Tonyang tapos nagsalita ulit.

"Kung hindi mo pa mababayaran ang renta niyo ngayong araw, mas mabuting umalis na kayo dito sa bahay na ito."umalis na si Aling Tonyang sa harapan ng inuupahan naming bahay habang ako.......

nakatayo parin sa labas ng pintuan namin.

"Kilos-kilos! Kennedy!"pumasok na ako sa loob,nagulat ako dahil nadatnan kong nag-eempake na ang mga kapatid ko.

"Hala...Anong ginagawa niyo.? Hindi ba kayo papasok..?"

"Seryoso ate...sasabihin mo yan sa amin...Mapapalayas na nga tayo, may gana pa kaming pumasok."sagot ng kapatid kong lalake na si Kevin, 2nd year college na siya..

Education ang kurso niya, yun lang ang kaya ko eh...

"Hinde..Hinde...gagawa ako ng paraan.."ngumiti ako..

"Tama na Ate...Titigil muna ako sa pag-aaral para matulungan kita." sagot ulit ni Kevin saken.

"No!"pasigaw na sagot ko sa kanya...Tinignan ko ang dalawa kong kapatid na umupo sa sopa maliban kay Kevin.

"Ate!Ayoko na...pagod na ako.."linagpasan niya ako at padabog na isinara ang pinto ng bahay.

Tinignan ko ang dalawa ko pang kapatid, Graduating narin sa high school si Kent habang ang bunso namin na babae na si Kate, graduating naman ng elementary...

Ako? Hanggang second year college lang ako..



"Hindi rin ba kayo papasok?"
Nagtinginan sila pero hindi sila sumagot.

"Sige.Wag muna kayong pumasok., nagluto na ako ng pananghalian naten, wag niyo na akong hintayin. Mauna na lang kayong mananghalian.."Pagkasabi ko yun, lumabas na ako sa bahay.

Paglabas ko ng bahay, naglakad na ako agad paalis sa bahay..

san ako pwedeng kumuha ng pera ngayon?


"Umagang-umaga, namomobrelama ka.."lumingon ako..

Si Tony, ang bago kong kaibigan sa lugar na ito, apat na taon na kami dito.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya..

"Ikaw kaya, yung masigawan sa harap ng maraming tao at ang aga-aga pa."pabalang na sagot ko.

"Si Aling Tonyang na naman ba ang sumira ng umaga mo?"

"Sino pa ba.."bumuntong hininga ako.

"pero kasalanan ko naman talaga..
delay na naman ang pagbabayad ko sa renta--"napatigil ako

may inilahad siyang pera..tatlong libo..

"Ano yan?"

"Bayaran mo na lang kung may pera ka na..Tatanggapin yan ni Aling Tonyang..sabihin mo dadagdagan mo sa susunod na araw.."

Workaholic Bachelor: Blair VillamorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon