Simula

208 12 6
                                    

I'm tired.

Inayos ko ang mga gamit ko matapos magdismiss ng klase ang aming guro. The lesson of today was all about how you relate yourself to other things.  Every word, every sentence that our teacher said awhile ago is still clear to me. Ang buhay ay parang kalangitan. Minsan maaraw, minsan naman ay maulan. Isang patunay na hindi araw-araw magiging masaya ka na darating ang panahon na makakaranas ka ng sakit na magpapaiyak saiyo.

I can't help but relate myself about it.

My life is messed up right now. The life that we have before gone forever. Naalala ko pa kung paano ako umiyak ng umiyak when Dad leaves us with nothing but a lies. Mga panahong wala pa akong alam sa ibang bagay kundi ang biglaan na lamang pag-alis ni dad ng walang paalam. He cheated on Mom. Galit na galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang sumbatan para sa sa lahat ng kasinungalingan niya. Para sa sakit na binigay niya saamin but i can't. He went to his mistress instead of staying and be loyal to us. Isang patunay na hindi lahat ng tao mananatili sa tabi mo habang buhay.

Katulad ng mga kulay.

Kapag nahaluan ng iba..mag-iiba ang kulay nito.  Parang ugali ng isang tao kapag nasaktan mag-iiba ang timpla ng ugali.

Naglakad na ako palabas ng classroom ng biglang humarang sa dinadaanan ko si Daisy and her friends. Mga taong walang ginawa kundi manira ng araw ko. Huminga ako ng malalim para sa mga walang kwentang sasabihin na naman nila na wala naman akong pakialam.

"Look who's in front of me girls. The scholar girl." She smirked.

Nagkatingin ang mga kaibigan niya tila sumasang-ayon sa sinabi niya. Gusto kong magsalita ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko para sa mga taong ito.

"Mukhang wala siyang pakialam girl!"one of her friends commented.

"Well that's because its true naman kasi. Hindi ko nga alam kung bakit tumatanggap ang school ng mga katulad niya. Siguro sa awa para sa mga estudyanteng katulad niya." She said it again..sa harapan ko.

Kinuyom ko ang aking kamay. As much as i want to punched her face...i can't. If i do that i'm sure matatanggal ako sa paaralang ito. Himala nga na hindi iyon nangyayari. Isa sa mga stockholders ang mga magulang ni Daisy Chua dito sa school kaya ganito na lamang ang attitude ng babaeng ito.

"Because they deserved it than you?" Biglang singit ni Realisa. Nag-iisa kong kaibigan dito sa school.

Nakita ko ang dumaang galit sa mukha ni Daisy.

"Oh really? You think so? Pinagtatanggol mo itong babaeng ito na nagdadala ng kahihiyan sa school. This school is for high class family not for them...that is from poor family...can't afford the expensive tuition fee." Nagtawanan ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya.

"You know what i'm tired of talking to  you na makitid ang utak! my gosh! Let's go Eliana!" Sabay hila saakin ni Realisa palabas ng classroom. Narinig ko pang  nagsalita yung isa sa mga kaibigan ni Daisy pero hindi ko na masyadong inintindi.

Pagkalabas namin ay  naglabas kaagad ng sama ng loob si Realisa saakin about kay Daisy. Her parents is one of the stockholders in the school also kaya medyo matapang siya when it comes to this na binubully ako ng mga iyon. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito naging kaibigan. Siguro dahil parehas kami ng plano sa buhay...to become a successful women in the future. Tipid akong ngumiti.

"My gosh! I really hate that bitch! She really need a slap from me! Mag-asawa pa!"she ranted.

"Thanks pala kanina."ani ko.

"No problem. Ano ka ba? Were friends kaya..so its my duty to protect ya from that ugly bitch!" She said.

Natawa naman ako dahil sa kaartehan niyang magsalita. Dumiretso na kami sa cafeteria agad para maglunch. Dalawang buwan na lamang ay matatapos na ako sa Senior high school kaya kahit papaano ay hindi ko na makikita pa ang pagmumukha ng grupo nila Daisy. Ang plano ko ay maghanap ng trabaho at mag-ipon pagkagraduate ko. Hindi pa ako sigurado kung magkoklehiyo na ba ako. Masyadong mataas ang mga babayarin sa school kung nagkataon baka hindi ko kayanin. Sa estado pa lang ng pamilya namin ay alam ko na agad.

Will You Remember (Seamala Series #1) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon