Gusto ko lang maalala ang lahat ng nangyari, kung paano nagsimula ang lahat. Ang layo na ng narating namin ni Vince. Schoolmates lang kami before, siya 'yung lalaking updated sa mga nangyayari aa buhay ko noon kahit hindi ko siya kilala.Until one day, tinext niya ako... "Hi crush, kakapalan ko na ang mukha ko, matagal na 'kong may crush sa'yo..." Madami nang naging ganyan sa'kin n'ung college ako, nagtetext, nagsusubok, pero walang nakakuha ng puso ko.
Si Vince? Bakit iba si Vince? Grabe 'yung effort niya sakin noon, nagpapadala ng flowers, nagpaggawa ng banner nung coronation night ng Ms.ME. Oo, marami ng nagbibigay ng bulaklak, pero siya
, hindi niya sinabi sa'kin na siya pala 'yung nagpapadala.'Yung nagbibigay lang siya para makita niya ako na nakangiri, na okay lang sa kanya kahit hi di ko alam na sa kanya pala nanggaling 'yung mga bulaklak. 'Yung pinakakinilig ako eh n'ung nalaman kong siya pala 'yug mismong nag-aabot sa'kin ng bulaklak at sinasabi niya na pinapabigay lang ng iba. Malapitan lang ako, madikitan lang ako kahit daplis lang. Siya 'yung lalaki na gustong lagi akong masaya. Ang sarap sa pakiramdam, ang dami na naming napagdaanan.Hindi ako bumitaw nung nawala ang alaala niya. May dumating na Jake, meron ding Je... Ayoko na sanang banggitin ang pangalan niya pero sige, Jella. Sana naman wala nang Rika, tama na. 'Yung tinaas ng replationship namin, siya ring sakit n'ung bumagsak kami.
Pinakamasakit sa'kin 'yung makalimutan ka ng taong mahal mo. Isang iglap lang, ganun ang tadhana, ganun ka niya susubukan.
Kumapit ako kasi mahal na mahal ko si Vince. 'Yung feeling na ikaw na lang sana 'yung nakakaranas ng sakit na nararanasan niya, lahat kaya kong saluhin para sa kanya.
Wala, walang mkakapag-paliwanag ng nararamdaman ko. Kahit gaano pa kahaba at kalalim ang explanation ko, hinding hindi mapapantayan ng kung anong nararamdaman ko.
Naisip ko, ano pa bang mas titindi sa naranasan namin na nagka-amnesia siya? Meron pa ba? Sa tingin ko wala na... Kung meron man, hinihiling ko na hindi na mangyayari pa, pero kung kelangan naming pagdaanan 'yung mas mabigatpang problema, kapit Kamay naming haharapin. Favorite niyang sabihin sa'kin ito eh, "Walang titi ag..." " Akin ka, Sa'yo ako." 'Yan lang ang nagpapaalala sa amin araw araw na
kelangan naming maging matatag.Vincent, kung ako lang sana ang lalaki sa ating dalawa, papakasalan na kita bukas na bukas din. Pero bilang ikaw ang lalaki, irerespeto ko ang mga decisions mo para sa atin. Dahil wala ka namang ginawa na hindi ikinabuti ng replationship natin. I love you, Vince. I love you with all my bloody, mortal, human and loving heart.
-Cheer