Merliah POV
Sa tagal namin paglalakad sa wakas ay nakakita din kami ng bahay
Agad kaming nagpatuloy sa paglalakad at tinungo ang natanaw namin"Rhianne nakikita mo ba ang nakikita ko?"i ask her baka sa kaling nababagot na sya sa kakalad namin
Lumingon lingon sya at hinanap ang direksyon pero agad din syang umiling
"Merliah?"agad akong napatingin sa kanya at nahinto sa paglalakad"B-bakit rhianne may problema ba?"kung mapapansin mo kasi ang mukha nya ay malungkot at nakatingin sa lupa habang naglalakad
"Sumasakit yung braso ko"saad nya habang nakahawak sa braso
"Ahm"agad akong napa isip kung ano ba ang gagawin ko at napahawak ako sa baba ko
Matagal din akong napag isip at yung choices ay kung tatanggalin ba ang braso nya o tatalon sya sa bangin di joke lang
Hanggang sa naka isip na ako ng paraan"sumakay ka sa likod ko"agad naman syang sumunod saakin
Ang bigat pala nitong si rhianne bakit ko ba kasi naisipan itong gawin?Ilang saglit pa nakarating na kami kung saan yung bahay na nakita namin, ibinaba ko na sya at sabay kaming lumakad papuntang pintuan
"Tao po!"
Kung mapapansin mo lumang luma yung bahay tapos ang kalat pa ng paligid"Tao po!"mukhang walang tao kaya hinawakan ko yung doorknob at sinimulan buksang ang pinto
Pero laking gulat ko ng makita ko ang loob ng bahay dahil puno ng mga puting bote na meroon lamang parang potion
"Merliah umalis na tayo dito"sabi sabay hawak sa kamay ko"B-bakit"saad ko sa kanya at sabay lingon"hindi tayo pwedeng umalis dito hahanapin pa natin ang may-ari ng bahay nito"dag dag ko pa pero ng mapansin ko na lumaki ang mata nya
Tumalikod ako sa kanya at nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay ng mapansin ko parang ang weird dahil ngayon lang ako nakakita ng bahay na ang loob ay puno ng kasangkapang gawa sa kahoy
Nilingon ko si rhianne ng mapansin kong mayhawak syang libro at mukha nyang binabasa "merliah kailangan na talaga natin umalis dito"ano ba naman atat naman si rhianne→_→"Bakit nagmamadali ka?"natigil sya sa pagbabasa at ipinakita saakin yung pahina ng libro
"Ang may-ari ng bahay na ito ay isang-"natigil sya ng may babaeng naka tayo sa pintuan
Naiintindihan ko na ang tinutukoy nya ng may-ari ng bahay na ito ay isang"witch"bigkas ko agad ko naman nakuha ang atensyon nya
Kung mapapansin mo yung babae buhaghag ang buhok kulubot ang balat at nakasuot ng itim at yung mata nya ay kulay green
"Anong ginagawa nyo sa bahay ko?"saad nya sabay tawa ng malakas"W-wala po aalis na po kami"saad ko sa kanya at sabay hawak sa kamay ni rhianne
"Sino naman may sabing aalis kayo? At tignan mo ang iyong kaibigan may sugat sa braso"hinawakan ng babae yung braso ni rhianne kaya napadaing sya saakit
"Halinat gagamutin ko sya"dag dag nya pa at anyaya nya saamin
Nakapagtataka pero kailangan namin itong gawin para magamot ang sugat sya, nakita ko kung paano nya gamutin ang sugat nya habang hiniwaan nya si rhianne upang kuhanan ng dugo tapos yung dugo ay ipinahid nya sa isang puting papel at nag drawing ng bilog tapos sa loob meroon star
Parang pamilyar ako sa simbolo na yun basta parang nakita ko na (*>.<*)"Tapos ko nang gamutin ang kaibigan mo"nag pasalamat naman kami sa kanya pero yung matatamis nyang ngiti ay napalitan ng nakakatakot na tingin
"Ngayon ay isasagawa ang aking nais upang mapabilang sya sa babaeng aking mabibiktima"nang sabihin nya ang katagang ito ang lahat ng balahibo ko ay nag tayuan
"What do you mean!"nagulat ako ng biglang sumigaw si rhianne(⊙o⊙)?
"Simple lang naman kumuha lang naman ako ng dugo galing sayo upang patuloy akong makapaglingkod sa aking pinuno"saad ng matandang babae habang kinakalikot nya ang kuko nya sa daliri
Napag isip-isip ko na siguro kung umalis agad kami ni rhianne hinding-hindi manyayari ito at lahat ng iyon ay kasalanan ko kagagawan ko kung bakit sya nakuhanan ng dugo ng bruhang babae na ito"Wag mo sabihing-"naputol ang sasabihin ko sa susunod na nangyari
Mistery_guy26; i hope na nagustuhan nyo yung chapter na ito sowwie dahil ngayon lang naka update kapit lang po
Love lots ♥♥♥
YOU ARE READING
My magical tale
FantasyMy magical tale By; Mistery_guy26 Ako bilang tao na nararapat para sa mundo pero ng tinahak ko ang isang bagay parang biglang nagbago Kailan man ang gusto kong hinangad ay maging kompleto,kompleto sa pagmamahal ng isang magulang pero...