+++++++++++
"THE subscriber cannot be reached. Please try again later."
Hindi lang una kung hindi higit pa siguro sa isang-daang beses ko, namin narinig ang linya na iyan tuwing sinusubukan naming tawagan si Manika sa kanyang telepono.
"Bakit hindi mo subukang tawagan yung mommy niya?" ang tanong sa akin ng ngayon ay may hindi mai-pintang mukha na si Niella.
"Alam no naman diba na nasa ibang bansa yung mommy ni Manika?" ang sagot naman ni Marc na kanina pa naka-ekis ang kamay sa dibdib.
Ito na ang pangatlong araw na pag-liban ni Manika sa klase.
Nang unang araw na hindi siya pumasok, nag kibit balikat lang kaming tatlo dahil siguro, kahit ang diyosa na nagkatawang tao ay nagkakasakit o lumiliban din talaga sa klase.
Kinabukasan at sa pangalawang araw na pagliban ni Manika, unti-unti nang tumaas ang mga kilay sa mata ni Niella at nagsabi ng "Parang may mali." sa aming dalawa ni Marc. Pareho naming naisip ni Marc na baka nga, may sakit lang talaga si Manika kaya hindi pumapasok pero yung sagot ni Niella ang sumampal sa amin ni Marc, hindi yung kamay niya.
"Alam niyo naman na kung ano mang mangyari kay Manika, tayong tatlo yung unang makaka-alam diba?"
Doon, natameme kami ni Marc. Tama nga naman si Niella. Kaming tatlo yung unang makaka-alam. Kami yung matatalik na magkakaibigan eh. Kung hindi kami, sino?
Kaya kinahapunan, sa ikalawang araw ng pagliban ni Manika, nagplano kaming tatlo nila Marc at Niella na puntahan na si Manika sa tinutuluyan niya.
At ngayong ikatlong araw, nandito kaming tatlo na nakatambay sa school's canteen. Mainit sa labas at walang klase ngayong first subject.
"Sure ba kayo? Pupuntahan talaga natin si Manika?" ang tanong ko kay Marc at Niella.
"Oo naman. Kung hindi ngayon, kailan pa Vik? Dapat nga kahapon pa natin ginawa eh." ang sagot ni Niella na para bang may panunumbat sa hindi namin pagsang-ayon ni Marc sa kanya kahapon.
Tumingin ako kay Marc, tinagpo niya lang saglit yung mata ko at tumango, pagkatapos nun ay yumuko. Wala namang makakapag-pabago sa isip ni Niella eh. Lalong wala kaming magagawa ni Marc dahil alam ko na kakaladkarin kami ni Niella kung kailangan para lang sumama sa kanya.
Atsaka, gusto ko na rin naman talagang maliwanagan sa madilim na dahilan ng pagliban ni Manika.
"Oh sige, ano pa pala ang tinatayo-tayo natin dito?" ang tanong ko kay Niella.
"Naghihintay na i-open yung gate? Hindi pa kaya release?" ang sarkastikong sagot ni Niella.
"Uhm.." ang banggit ni Marc, "siguro pwede tayo manghingi kay Ma'am Mae ng signature niya para makalabas na tayo agad?"
Napangiti ako at tinapik-tapik ang balikat ni Marc. "Ikaw talaga ang utak ng squad Marc. Anong gagawin namin kung wala ka?"
Sa sinabi ko na iyon, napatawa ako pati si Niella. Si Marc naman ay napayuko na lamang, mukhang nangangamatis ang mga pisngi.
"Oo nga naman Vik, ala-una na tapos vacant naman halos lahat ng subject this afternoon. If hihintayin pa natin na mag alas-singko para lang mag open ang gate, gagabihin tayo." ang patangong sabi ni Niella.
"Oo," ang pagsang-ayon ko, "ayaw ko din dun sa security guard. Walang pakisama eh, napaka strikto. Di gaya ni Manong Boyet na kalog at marunong makisama."
"Ayoko din sa kanya." ang pagsang-ayon din ni Marc.
"Hmm, balik na pala tayo sa classroom? Andun lang naman ata si Ma'am Mae kasi inaayos pa nila diba yung bulletin board?" ang may nakataas na isang kilay na pagtatanong ni Niella.
BINABASA MO ANG
Nasaan ka, Manika?
Bí ẩn / Giật gânSuot ang kanyang matingkad na kulay na pulang off-shoulder at hanggang sa taas ng tuhod na shorts;napakakinis na balat na tila ba'y hinalikan ng liwanag ng buwan, mapupungay na magka-ibang kulay na mata, ang kanyang natural na mala rosas na labi at...