spoken 1💔

511 7 0
                                    

"ano nga ba"

nung nakilala kita mundo ko'y nag iba,,ano bang meron ka na saaking pusoy nagpatibok ng bigla,,masaya ako kapag kasama ka,yung tipong wala ng bukas kapag kasama kita,,yung tipong isang ngiti mo lang kontento na,,at yung tipong ikaw lang sapat na..

pero ano nga bang meron tayo?tanong na hindi maalis sa isip ko..litong lito ako,napapatanong na lang ako sa sarili ko kung ANO NGA BA..

ano nga bang meron tayo,,agad akong pumunta sayo hinawakan ko ang kamay mo at inamin ang nararamdaman ko..

bigla mo akong niyakap d ko alam kung kikiligin ba ako o kung iiyak ako hindi ko maidikta ang nararamdaman ko..

gusto kong umiyak sa braso mo pero anong karapatan ko KAIBIGAN MO LANG AKO..ano nga bang meron tayo?may matatawag nga bang ikaw at ako?..

litong lito ako d ko na napigilan ang mga luhang pumapatak galing sa mata ko napapaiyak ako dahil nararandaman kong hindi magiging maganda ang kakalabasan ng pag amin kong ito...

ANO NGA BA?ano nga bang meron tayo?,,tumingin ka sa mga mata ko at sinabing "SORRY KAIBIGAN LANG ANG TINGIN KO SAYO"

Agad kong iniwas ang mga matang kong nakatingin din sa mata mo,,sunod sunod na ang mga luhang pumapatak galinb sa mata ko,,tumakbo ako hindi ko alam ang pupuntahan ko..

umupo ako at humiling na sana mawala na ang sakit na ito ang sakit na nararandaman ko..ANO NGA BA?ano nga bang mapapala ko sayo kung kaibigan Lng naman ako para sayo..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

spoken word poetryWhere stories live. Discover now