spoken 2

297 2 0
                                    

"malaya"

forever,,akala ko isa tayo sa magpapatunay nito pero nung dumating sya sa buhay mo ang forever na pinangako mo ay naglaho daig pa ang bulang biglang naglaho..

isa,dalawa,tatlo,,tatlong taon naging tayo,,apat,lima,anim,,anim na buwan ng walang tayo..pero pano ko sassabihin sayo ang salitang pinapalaya na kita o ang salitang malaya kana..kung saaking puso'y ikaw parin talaga..

simulan natin ang istorya..nagsimula sa lokohan hanggang sa nagkaseryosohan,,nagsimula sa lambingan hanggang sa nag kaibigan..kapag nakikita ka araw koy kumpleto na,pero kapag wala ka mundo ko'y tila guguho na..

isa,dalawa,tatlo,apat,lima,anim,pito,,pitong buwan noong hinintay mo ako,,isa,dalawa,tatlo..tatlong buwan noong ibinigay ko ang matamis na oo..

mahal na mahal kita ayaw kong mawala ka kahit na sa harap harapan ko ay niloloko mo na ako..gusto kong sumuko,,gusto kong umayaw,,pero hindi ko magawa,,kase mahal kita at takot akong mawala ka..

isa dalawa tatlo apat,,apat na araw mula noong mag tatlong taon tayo,,hindi ka sumipot sa lugar na pinagusapan natin,,sabi mo bc ka..pero nakita kita may kasama kang iba..

hindi ako sumuko minahal parin kita kahit ansakit sakit na,dinaan ko sa iyak ang sakit na nararamdaman ko,,bat ko pa ba kasi pinagpapatuloy ang relationSHIT  na ito kung dalawa kmi sa puso mo..

uno dos tres,,alas tres ng hapon noong tinawagan mo ako at sinabing mag kita tayo,tuwang tuwa ako kase akala ko mag dedate tayo pero mali pla ako..

lumapit kayo ng babaeng kasama mo at hinawakan mo ang kamay ko,,unti unti nang tumulo ang mga luha ko bigla kang nagsalita "pasensya na mahal kita,,pero mas mahal ko sya" hindi ko napigilan ang mga kamay ko kya agad itong lumapat sa pisngi mo,,isa dalawa,,dalawang beses kong inilapat ang kamay ko sa makapal na muka mo..

ito na nga ba ang oras para sabihin ko ang salitang malaya kna..sa tingin ko ito na nga,ito na nga ang tamang araw pra palayin ka,,mahal kita pero tama na,,pagod na ako kya tama na,,pasensya na kase pinapalaya na kita...

spoken word poetryWhere stories live. Discover now